Q’FINALS ASAM NG GIGA HITTERS

SMART-ARMY

Mga laro ngayon:

(Imus Sports Center)

2:00 pm — Philippines vs Cignal

4:15 pm — Foton vs UP-UAI

7:00 pm — Smart-Army vs UE-Cherrylume

SISIKAPIN ng Smart-Army na makopo ang unang quarterfinals berth sa Pool B sa pagharap sa University of the East-Cherrylume sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference ngayon sa Imus Sports Center sa Cavite.

Nakatakda ang duelo ng Giga Hitters at ng wala pang panalong Iron Lady Warriors sa alas-7 ng gabi.

Mauuna rito ay magpapambuno ang Philippine Team at Cignal sa alas-2 ng hapon.

Gayunman ay hindi makakasama ng Nationals sina Jaja Santiago, Dindin Santiago-Manabat, Maika Ortiz at CJ Rosario, na pinangunahan ang depleted nine-woman team sa pagdispatsa sa  Cocolife, 25-13, 25-17, 25-11,  noong Sabado.

Maglalaro ang apat na stars para sa kanilang mother club,  ang Foton, na tatangkaing tapusin ang preliminary round sa pamamagitan ng panalo sa Pool A laban sa University of the Philippines-United Auctioneers (0-2) sa alas-4:15 ng hapon.

Inaasahan namang maglalaro na sa national team na ginagabayan ni head coach Shaq Delos Santos sina Mika Reyes, Ces Molina, Kianna Dy, Cha Cruz-Behag, Dawn Macandili, MJ Phillips at Rebecca Rivera.

“Hopefully, we will be complete. We have to be ready and be in full force as much as possible because we are facing Cignal,” wika ni Delos Santos.

Tututukan naman ang Smart-Army,  na nagpapakita ng chemistry sa pagitan ng mga beterano, sa pa­ngunguna nina Ging Balse-Pabayo, Nene Bautista, Joanne Bunag at Tin Agno, at ng mga bagitong University of Santo Tomas stars na sina  Dimdim Pacres, Alina Bicar, Tin Francisco at Caitlyn Viray na nagbigay sa kanila ng  2-1 marka upang kunin ang second spot sa Pool B.

Bagama’t wala na sa kanilang mga kamay ang pagkuha sa nag-iisang outright semifinal ticket sa kanilang grupo, ang mahigpit na tagubilin ni Giga Hitters coach Kungfu Reyes ay ang matikas na pagtatapos at makopo ang quarterfinal berth na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na makaharap ang third seed sa Pool A sa knockout match sa July 19.

“It’s not in our hands anymore. Our only control is gaining the second place in our group and enter the quarterfinals,” wika ni Reyes, na ginabayan ang Army sa Invitational title run, dalawang taon na ang nakalilipas, sa paggapi sa EST Cola ng Thailand.

Comments are closed.