RABIYA MATEO CERTIFIED KAPUSO

faceup

KARAMIHAN sa mga beauty queens, bumabagsak sa showbiz. Pansinin natin, mula kay Gloria Diaz, Margie Moran na pawang nanalo sa Miss Universe ay naging artista. Magpatalbog pa ang Miss International na si Milanie Marquez, di lang umarte sa pelikula, naging film producer pa. Not to mention Ruffa Gutierrez.

Si Kylie Versoza, Miss International ay naakit din ng limelight kaya sunud sunod ang mga movie projects sa Viva Films.

Ang kontrobersiyal nating pambato sa Miss Universe na napuwesto sa Top 21 ay si Rabiya Mateo. Isa siyang physical therapist at aksidente lang daw ang pag-aartista niya. Maliit pa lang ay pa­ngarap na niyang maging artista, kaya nang mag-guest siya sa haloween special na Kapuso Mo, Jessica Soho at nasundan sa Wish Ko lang, bongga ang pag-welcome sa kanya at nagkaroon pa ng virtual presscon.

Certified kapuso ta­lent na si Rabiya! Mala­king hamon sa kanya ay pagpasok niya sa weekly GMA series na “Agimat at Agila,” na pinagbibidahan ni Senador Bong Revilla.

HERBERT BAUTISTA NAG-APOLOGIZE KINA KRIS AT MEL

MAHIRAP ang sitwasyon ng isang celebrity kapag nag-react sa isang sitwasyon. Na post lang niyang “na-inspire din tuloy akong mag-propose kaso sayang… may napili na po siya (na may broken heart emojis.) Hindi niya inaasahan na may sasagot at paliwanag to death ang queen sa social media na si Kris Aquino at da­ting DILG secretary Mel Senen Sarmiento.

Naging maagap ang actor-politiko sa paghi­ngi ng paumanhiin. Ilang taon din ang relasyon ng KrisTek (Kris at Bistek). Sa Italy, nagkaroon pa sila ngenggagement ring. Marami ring sumubaybay sa kanilang love story.

Ani Bistek, “loose remark unjustifiably hurt feelings. It was certainly inappropriate and a mistake. My profuse apologies to Kris. Alam ko, maaalagaan ka niya, and I can see that you’re happier now. Aminado ako, I know I have not been good enough. Still regretting the chance I didn’t take. You deserve better.”

Wika ng isang netizen e, si Kris pa… hindi ‘yan magpapatalo as in kaila­ngang sagutin niya ang isyu at iba siyempre na enggaged to be married ka na. Sa isang banda, maraming followers at supporters ni Bistek ang humanga sa ginawang gesture na humingi siya ng paumanhin sa dating karelasyon.

ALJUR ABRENICA KUMIKITA SA  LIVE STREAM

PAGKATAPOS gumawa ng dalawang pelikula at naging maingay ang sagutan sa social media ng dating asawang si Kylie Padilla, nakapokus uli si Aljur Abrenica sa kanyang live streaming. Aba, kasama ang dalawang anak na lalaki at kanyang ama na si Papa Jojo na isang rin band singer.

Take note! Kung gusto mong makapanood ng live sa kanya, kailangan mong magbayad. Kung sosi ka, send ng mga stars (may presyo, ‘yun). Opps, karamihan ng mga artista na di masyadong aktibo (as in walang projects) may youtube channel din siya.

Saan ka pa? Basta ayos ang internet connection, tuluy tuloy ang pagla-live ni papa Aljur. Sa true lang, magagaling silang singer at guwapo talaga silang mag-aama.