KAHIT patuloy ang pang-aalipusta kay Rabiya Mateo ng mga bashers ngayong pinasok na niya ang pag-aartista, composed pa rin siya at hindi pumapatol sa mga ito. Pumirma pa siya ng exclusive contract sa GMA Network noong November 2021.
Si Rabiya ay gaganap na isang agent sa Book Two ng Agimat ng Agila, ang fantasy-action series sa GMA-7 na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla, pero sunud-sunod na panlalait ang ibinato sa kanya ng isang med-tech kung saan tinawag siyang “talunan” sa Miss Universe pageant at “ambisyosa.”
Buong komento ng basher: “Minsan Beauty Queen, Minsan drama queen. Pero kadalasan ambisyosa di naman marunong umarte, talunan pa sa MU [Miss Universe]. Crying emoji”
Sagot naman ni Rabiya na in fairness ay nakaabot sa Top 21 ng Miss Universe 2020 pageant, “Di naman siguro masama mangarap, yung masama mangbaba ng kapwa. Medical professional ka diba? Sana maging doctor ka gaya ng pangarap mo. Keep winning in life.” — KNM