DINAIG ni Donovan Mitchell si Jaylen Brown at muling nagpamalas ng matinding performance si Rudy Gobert nang pataubin ng red-hot Utah Jazz ang Boston Celtics, 122-108, noong Martes ng gabi sa Salt Lake City.
Isinalpak ni Mitchell ang tatlo sa kanyang anim na 3-pointers sa mga huling minuto at tumapos na may 36 points at 9 assists upang tulungan ang Jazz sa kanilang ika-5 sunod na panalo at ika-16 sa 17 games.
Napantayan ng Utah ang best-ever start nito sa isang season nang umangat sa NBA-leading 20-5, na siya ring record ng unang NBA Finals squad ng franchise sa pagsisimula ng 1996-97 season.
Mula sa two-game injury absence ay kumamada si Brown ng 33 points at kumalawit ng 8 rebounds para sa Celtics. Nagdagdag si Jayson Tatum ng 23 points para sa Boston, na 2-3 sa five-game Western Conference road trip.
WARRIORS 114, SPURS 91
Nagbuhos si Stephen Curry ng 32 points, 16 dito ay sa pivotal third-quarter run ng Golden State, nang igupo ng bisitang Warriors ang San Antonio Spurs, 114-91, sa ikalawang laro ng two-day back-to-back sa pagitan ng dalawang koponan.
Kumalas ang Warriors sa 53-53 pagtatabla sa pamamagitan ng dominating third-quarter spurt na nagbigay sa koponan ng 21-point lead.
Tinapyas ng San Antonio ang bentahe sa 88-76 sa unang dalawang minuto ng fourth quarter subalit hindi na nakalapit pa.
Pitong players ang umiskor ng double figures para sa Golden State, na pinutol ang wo-game losing streak.
Nagdagdag si Eric Paschall ng 15 points para sa Warriors, habang nag-ambag sina Andrew Wiggins ng 14, Kelly Oubre Jr. ng 12, Juan Toscano-Anderson at Damion Lee ng tig-11 at Kent Bazemore ng 10 points.
Nagbigay si Draymond Green ng 11 assists, at humugot si Oubre ng 10 rebounds sa panalo.
Nanguna si Rudy Gay para sa Spurs na may 17 points mula sa bench habang nagdagdag sina Trey Lyles ng 15, Patty Mills at Keldon Johnson ng tig-13 points at DeMar DeRozan ng 12 points.
HEAT 98,
KNICKS 96
Tumapos si Jimmy Butler na may 26 points, 10 assists at 8 rebounds upang pangunahan ang Miami Heat sa98-96 comeback victory kontra New York Knicks.
Sa ikalawang sunod na laro laban sa Knicks, nagbigay si Butler ng clutch performance, kung saan pinigilan niya ang layup attempt ni RJ Barrett habang paubos ang oras na nagselyo sa resulta ng laro.
Nagtala si Butler ng 13-for-15 sa foul line, kung saan naipasok niya ang isa sa dalawang free throws makaraang makakuha siya ng foul, may 4.8 segundo sa orasan.
Naitala ng Heat ang ikatlong sunod na panalo sa kabila na na-outplay sila malapit sa rim sa malaking bahagi ng laro ng frontcourt ng Knicks.
Sa iba pang laro ay pinutol ng host Detroit Pistons ang four-game losing streak sa pamamagitan ng 122-111 panalo kontra Brooklyn Nets; pinayuko ng Philadelphia 76ers ang Sacramento Kings, 119-111; at dinispatsa ng Portland Trail Blazers ang Orlando Magic, 106-97.
Comments are closed.