(Ratsada sa ika-9 sunod na panalo) RED-HOT JAZZ

jazz vs clippers

NAGBUHOS si Donovan Mitchell ng 24 points na may kasamang 7 rebounds, 7 assists at 4 steals upang tulungan ang Utah Jazz na makopo ang ika-9 na sunod na panalo sa pamamagitan ng 114-96 pagbasura sa host Los Angeles Clippers noong Miyerkoles (oras sa US).

Nag-ambag si Rudy Gobert ng 23 points sa 8-of-12 shooting at kumalawit ng 20 rebounds para sa Jazz, na nanalo ng 20 sa kanilang huling 21 games. Ang nag-iisang talo ng Utah sa naturang setback stretch ay naganap noong Jan. 31 sa Denver.

Mula sa Utah bench ay umiskor si Jordan Clarkson ng 18 points habang nagdagdag sina Joe Ingles ng 14 points at 5  assists at Royce O’Neale ng 12 points at 8 boards.

Ang Clippers ay muling naglaro na wala sina Kawhi Leonard (leg), Paul George (toe) at Nicolas Batum (concussion).

Nakalikom si Lou Williams ng 16 points, 6 rebounds at 6 assists at nag-ambag si Reggie Jackson ng 15 points para sa Clippers, na naputol ang four-game winning streak. Nagdagdag sina Amir Coffey ng 13 points at Serge Ibaka ng 10.

GRIZZLIES 122,

 THUNDER 113

Kumamada si Grayson Allen ng 22 points upang pangunahan ang Memphis Grizzlies sa 122-113 panalo kontra Oklahoma City Thunder sa Memphis.

Pinangunahan ni Allen ang malaking fourth quarter ng Grizzlies, sa pag-iskor ng 14 points sa final frame.

Limang  3-pointers lamang ang naipasok ng Memphis sa unang tatlong quarters subalit nagsalpak ng pito sa fourth, tatlo mula kay Allen.

BLAZERS 126,

PELICANS 124

TINULDUKAN ni Damian Lillard ang kanyang 43-point night sa pamamagitan ng decisive three-point play at nasikwat ng bisitang Portland Trail Blazers ang ika-6 na sunod na panalo nang dispatsahin ang New Orleans Pelicans,126-124.

Tumapos ang Blazers sa 3-0 sa road trip, salamat kina Gary Trent Jr. na nagdagdag ng 23 points, Derrick Jones Jr. na umiskor ng 13, Carmelo Antho-ny at Robert Covington na nag-ambag ng tig-12 at Enes Kanter na nagbigay ng 11 points.

Napantayan ni Zion Williamson ang career high 36 points para sa Pelicans. Nagdagdag sina Ball ng 21, JJ Redick ng 16, Ingram ng 14, Willy Herna-nomez ng 11 points at 17 rebounds at Eric Bledsoe ng 10.

Sa iba pang laro, pinataob ng Indiana Pacers ang Minnesota Timberwolves,134-128, sa overtime; naungusan ng Washington Wizards ang Denver Nuggets, 130-128; sinakmal ng Chicago Bulls ang Detroit Pistons, 105-102;  pinabagsak ng Philadelphia 76ers ang Houston Rockets, 118-113; kinalawit ng Atlanta Hawks ang Boston Celtics, 122-114; at ginapi ng Orlando Magic ang New York Knicks, 107-89.

Comments are closed.