RAVENA VS RAVENA

on the spot- pilipino mirror

NAGPAPASALAMAT si PSC Chairman Butch Ramirez kay Pres. Ang Macaayong at sa buong Mindanao State University sa pagkilala sa naiambag niya sa unibersidad.

Sinabi ni Chairman Ramirez na sinabihan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na palakasin ang sports sa naturang lugar.

Naging matagumpay naman ang dinalang proyekto ni Ramirez. Ginawaran ng Mindanao State University  Marawi Campus ng Doctor of Humanities Honors Causa si Ramirez na ginawa sa sa MSU Convention Center sa Lanao del Sur kasabay ng pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng pagkatatag nito.  Congrats, Chairman Butch Ramirez!



Matapos na matalo ang Brgy. Ginebra sa TNT Tropang Giga noong Miyerkoles ng gabi ay umuwi na rin agad  ang mga player at coaching staff ng team. Bawi na lang next conference, siguro naman sa susunod na conference ay nakapag-adjust na si Fil-German Christian Standhardinger at kumpleto na ang mga players ng Ginebra.

Bagama’t si Japeth Aguilar ay nakaupo sa bench ay hindi naman siya puwedeng maglaro. Support lang siya sa kanyng  teammates. Kaso ay sadyang malas, iba rin ang presence ni Scottie Thompson kapag ganitong crucial ang laro. Kahit nandiyan  pa sina Stanley Pringle, Prince Caperal, Jasper Ayaay, Aljon Mariano, LA Tenorio, at Jared Jillinger ay iba pa rin ang lakas ng Tropang Giga.

Gigil ang mga player ni coach Chot Reyes na makapasok sa championship.

Abangan na lang natin kung sino ang makakaharap ng TNT sa finals. Although mas masaya sana kung may Ginebra sa finals.



Magbubukas na ngayon ang Japan B. League. Maghaharap ang mga team ng magkapatid na Thirdy Ravena at Kiefer Ravena. Katunayan, nagharap na sila sa isang tuneup game — ang Shiga Lakestar ni Kiefer at San En Neophoenix ni Thirdy. Marami umano ang na-impress   kay Kiefer sa husay na ipina-kita nito, lalo na ang kanyang teammates.

Inanunsiyo ng Shiga Lakestar management  sa lahat ng  Filipino fans na nasa Japan na libre ang panonood nila ng laro.

Ravena vs Ravena…Good luck!

5 thoughts on “RAVENA VS RAVENA”

  1. 94676 397410Echt tolle Seite. Rubbish bin eigentlich nur per Zufall hier gelandet, aber ich bin jetzt schon complete von der tremendous Seite beeindruckt. Gratuliere dazu!! Viel Erfolg noch durch der sehr guten Home-page mein Freund. 798410

Comments are closed.