SISIMULAN ng Grab Philippines ang pagsasauli ng sobrang singil sa mga pasahero nito sa Disyembre 31 tulad ng ipinag-utos ng Philippine Competition Commission (PCC).
Ayon sa Grab, ang refund sa mga pasahero ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng GrabPay Wallet accounts sa susunod na Martes.
Isasauli ng Grab ang P1 para sa bawat P1,200 total fares na ibinayad ng isang pasahero mula Pebrero 10 hanggang Mayo 10 ngayong taon.
Ibabalik din ng kompanya ang P1 para sa bawat P450 total fares ng mga pasahero mula Mayo 11 hanggang Agosto 10, 2019.
“Those select Grab riders who took a GrabCar ride in Metro Manila… may claim their disbursements through the GrabRewards Catalogue,” ayon sa statement ng Grab.
“Such passengers will have to fill in the information under the know-your-client (KYC) rules mandated by the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).”
“Those who have completed the basic KYC process can directly redeem the amount which will be credited on their GrabPay Wallet accounts starting December 31, 2019,” sabi pa ng Grab.
Magugunitang inatasan ng PCC noong Nobyembre ang Grab na isauli ang P5 million sa mga pasahero nito dahil sa paglabag sa voluntary commitments nito sa anti-trust watchdog.
Inutusan din ng PCC ngayong buwan ang kompanya na ibalik ang P14.15 million dahil din sa kaparehong paglabag. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.