UPANG maikasa ang planong pagrepaso sa regulatory polioies ng Department of Agriculture (DA) bumuo na nang technical working group para sa pangangasiwa ng pag-aaral at repaso.
Binuo kahapo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang TWG at itinalaga sina Undersecretary for Policy, Planning and Regulation Atty. Asis Perez at Usec and Chief of Staff, John Balagbag bilang pinuno nito.
Inatasan ni Laurel ang TWG na magsagawa ng komprehensibong pagrepaso sa regulatory policies ng kagawaran.
Sakop ng trabaho ng binuong TWG ang tingnan kung epektibo ang polisiya at magrekomenda ng bagong patakaran, pagpapalit at pag-amyenda sa mga hindi napapanahong regulasyon.
Ipinaliwanag din ng kalihim na layon ng hakbang isulong ang efficiciency, pag-alis sa red tape at iba pang butas na maabuso ang patakaran.
Umaasa ang Kalihim na mapabibilis ang paghahatid ng serbisyo at mapapadali pagnenegosyo katuwang ang DA at pagpasok ng marami pang pamumuhunan sa agrikultura.
Inamin naman ni Perez na tatagal ng isang ang pagrepaso saka i-endorso sa regulatory clearing system ng DA para muling suriin.
EUNICE CELARIO