RESULTA NG 2024 BAR EXAMS, ILALABAS SA DISYEMBRE

ILALABAS na ng Korte Suprema ang resulta ng 2024 Bar Examinations sa Disyembre 13, 2024 sa Courtyard ng Supreme Court Main Building, Padre Faura Street, Ermita, Manila.

Ang mga resulta ay ipapakita sa LED walls sa loob ng Courtyard at ipo-post din sa opisyal na website at social media accounts ng Korte Suprema sa X (Twitter), Threads, Facebook at Instagram.

Magbibigay rin ng live stream links at QR codes para ma-access ang mga resulta sa YouTube at Facebook sa pamamagitan ng mga opisyal na komunikasyon ng Korte.

Ang mga sumusunod ay  paalala ng Korte  Suprema sa publiko:

– Magbubukas ang mga gate ng SC Courtyard mula alas 12:00 ng tanghali hanggang ala 6:00 ng gabi para sa mga nais makibahagi sa makasaysayang anunsyo.  Limitado ang espasyo, mahigpit ang ipatutupad na seguridad at inspeksyon.

– Ang sinumang papasok ay kailangang magsuot ng angkop at disente na damit. Hindi papayagan ang mga naka-open-toe at open-heel na sapatos, ripped o maikling damit na lagpas tuhod at sleeveless, cropped o see-through na kasuotan.

Dagdag pa rito, ang sinumang papasok sa lugar o gagamit ng mga opisyal na hashtags sa social media ay ituturing na pumapayag na makuhanan ng larawan o video para sa opisyal na materyales ng Korte Suprema kabilang na ang live streaming ng resulta.

Para sa karagdagang impormas­yon, sundan lamang ang opisyal na website at social media pages ng Kor­te Suprema upang matiyak ang tama at mapagkakatiwalaang balita.

RUBEN FUENTES