RETAIL INVESTORS DUMAMI

MAGSASAGAWA ang Philippine Stock Exchange (PSE) ng online investing expo sa gitna ng pagdami ng mga Filipino na nagsisimulang mag-invest sa stock market.

Sa panayam ng ANC, sinabi ni PSE president Ramon Monzon na ang retail investors ay tumaas ng 31 percent mula sa share na 18.9 percent noong 2019.

“With this participation, we felt it was incumbent upon us to have this expanded market education program for investors,” ani Monzon.

Kabilang sa paksang tatalakayin ang finance, online investing, pag-i-invest sa IPO (initial public offering) at maging ang multi-asset portfolio.

Ang PSE Expo ay gaganapin sa sa Jan. 29- 30. Libre ang registration.