RHIAN RAMOS TAPOS NA ANG PAHINGA, BALIK-TELESERYE NA

rhian ramos

MATAGAL-TAGAL ding walang show si Kapuso actress Rhian Ramos sa GMA showbiz eyeNetwork, huli pa niya ang “The One That Got Away” in 2018.  Hu­mingi muna siya ng bakasyon sa network dahil gusto niyang mag-aral sa New York.  Kung bumabalik siya sa bansa, naggi-guest lamang siya sa mga shows at balik muli sa New York.

But now, she’s back, para sa bagong primetime teleserye, ang “Love of my Life,” na dinidirek ni Don Michael Perez.

Si Rhian ay si Kelly Generoso, single mom.  Anak niya si Gideon (Ethan Hariot) na binubuhay niya through her direct selling business.

“Anak namin siya ni Stefano Gonzales (Tom Rodriguez), pero kasal na siya kay Adelle Nisperos (Carla Abellana), a widow pero may anak, si Andre (Raphael Landicho) sa former husband niya.  Nang ma-diagnose si Stefano na may pancreatic cancer, ipinatawag niya kami ng anak niya para ipakilala sa Mom niya, si Isabella Gonzales (Coney Reyes).”

Gugulo ang buhay nila nang pilitin ni Isabella na mag-stay sina Kelly at Andre sa bahay nila, kaya nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan, madalas may competition sa dalawang babae para sa atensiyon ni Stefano.  Mahirap ba ang kanilang role ni Carla?

“Yes, totohanan ang mga sampalan at sabunutan namin ni Carla sa eksena,” natatawang sagot ni Rhian.  “Si Direk Don kasi gusto niya totohanin namin para maging convincing ang scene at huwag nang ulitin kung awkward ang eksena.  Masakit kung minsan, pero kahit iwasan namin ni Carla, totoong nagkakasakitan din pero naitawid naman namin bawat eksena.”

No problem naman kina Rhian at Carla, dahil second time na nila itong magkasama sa serye, with Tom.  Ginawa na nila noon ang “My Destiny” pero mas intriguing ang story ng “Love of my Life,” at maraming makaka-relate dito.

Magsisimula na ngayon, Monday, February 3 ang world premiere ng “Love of my Life” pagkatapos ng “The Gift.”  Papalitan nila ang romantic-comedy series na “One of the Baes,” a production venture ng GMA News and Public Affairs.

XIA VIGOR MUNTIK NANG IWAN ANG SHOWBIZ BAGO ANG ‘MIRACLE IN CELL #7’    

MAGANDANG kausap si Xia Vigor, ang child actress na bumida sa “Miracle in Cell No. 7,” a Pinoy adaptation ng Korean movie na nagtampok sa kanila ni Aga Muhlach para sa katatapos na Metro Manila Film Festival 2019 (MMFF).

Viva Artist Center contract star na si Xia at may mga naka-line up na siyang projects na gagawin sa Viva Films.  Pero muntik na palang iwanan ni Xia ang showbiz, at bumalik na lamang sila ng Mommy Christy at older brother niya sa England.

Inamin ni Mommy Christy na nahirapan silang mag-iina at hindi naman siya makapagtrabaho dahil wala siyang maiiwanan sa dalawang anak.  Nasa ABS-CBN noon si Xia pero hindi sapat ang kinikita nito para makapamuhay sila nang maayos.  Kaya ang pasasalamat nila nang kunin si Xia para sa “Miracle in Cell No.7.” Biro namin kay Xia kung may bonus siya sa Viva Films.

“Meron po,” nakangiti niyang sagot. Ayon kay Mommy Christy, itinabi na niya ang bonus ni Xia para sa studies ng magkapatid.  Grade IV na si Xia at nasa-top ng class niya.

Comments are closed.