RICE IMPORTS BABABA SA 2019

INAASAHANG bababa ang rice imports ng Pilipinas sa 2019 ng 21.42 percent sa 1.1 million metric tons (MMT) sa gitna ng record level ng domestic palay output at ng pagtaas ng year-end stock volumes, ayon sa United States Department of Agriculture (USDA).

Sa pagtaya ng USDA, ang total rice purchase ng bansa sa abroad sa susunod na taon ay bababa sa 300,000 MT mula sa 1.4 MMT na tinatayang volume ngayong taon.

“Philippines is down 300,000 tons to 1.1 million on more abundant domestic supplies,” pahayag ng USDA sa monthly monitoring report nito.

Gayunman, nilinaw ng USDA na ang nasabing pagtaya ay maaari pang magbago, partikular sa harap ng desisyon ng pamahalaan na alisin ang quota o limitasyon sa imports.

Ito ang unang grains production at supply forecast na isinagawa ng USDA para sa 2019.

Ayon sa USDA, ang total milled rice output ng bansa sa 2019 ay mananatili sa 12.35 MMT.

Ang milled rice output ng bansa ngayong taon ay tinatayang tataas ng 5.25 percent sa 12.3 MMT mula sa 11.686 MMT noong 2017.

Sa pagtaya pa ng USDA, ang  total rice consumption ng bansa sa susunod na taon ay bahagyang tataas ng  1.51 percent sa 13.4 MMT, mula sa 13.2 MMT tinatayang demand ngayong taon.

Naunang inihayag ng Department of Agriculture (DA) na ang total palay output ngayong taon ay maaaring sumirit ng halos 3.11 percent sa record-high  na halos  20 MMT sa likod ng pagtaas ng ani at mas matatag na farm-gate prices.

“This year, rice production is expected to grow by about 600,000 metric tons [MT], stimulated mainly by good palay-buying prices, favorable climate and the increase in the adoption of good quality and hybrid seeds by farmers,” sabi ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang bansa ay nagprodyus ng record-high 19.3 MMT ng palay noong 2017, na mas mataas ng 9.3 percent sa 17.3 MMT na naitala noong 2016.   JASPER ARCALAS

Comments are closed.