RICHARD GOMEZ, PUMAPATOL PA RIN SA BASHERS

richard gomez

HINDI exception si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa panlalait ng  bashers kasi noong kanyang kabataan ay isa rin siya sa nakatanggap ng sandamukal na panlalait mula sa mga tagahanga ng ibang artista.

Inamin ng aktor na tao lang siya at nasasaktan kaya pumapatol din siya sa mga nanlalait sa kanya noon at kahit hanggang ngayon na may katungkulan na ito bilang mayor ay sinasagot pa rin nito ang maraming naninira sa kanya ng mga kalaban.

Dumating na raw siya sa punto na nanghahamon na siya ng suntukan pero takot daw magpakita sa kanya ang mga kumakalaban sa kanya. Malakas lang daw ang loob ng mga ito dahil hindi sila nakikita pero kung kilala niya ang mga ito at makakasalubong sa isang lugar ay tiyak makakatikim ang mga ito sa kanya.

Aniya, to hit his bashers back ay kailangan nitong makipagmurahan kung kinakailangan. As in, he has to speak their language. Kung anong mga masasakit na salita ang ibinabato sa kanya ay ganu’n din kasakit ang salitang ibabalik nito sa kanyang mga kaaway.

DENNIS TRILLO ‘DI ALAM KUNG BAKIT BAWAL ANG MARIJUANA BILANG GAMOT

PABOR si Dennis Trillo na gawing legal sa ating bansa ang paggamit ng marijuana bilang gamot. dennis trilloKatunayan, legal na itong nagagamit sa ibang estado ng USA.

Ayon sa Kapuso actor, napakalawak na ang impormasyon tungkol sa marijuana bilang gamot dahil maraming mga research tungkol dito na mababasa sa internet.

Aniya, “Buksan ninyo ang isipan ninyo. I-research lang ninyo sa internet. I-type niyo lang sa Google, makikita niyo ang mga research, hindi magsisinunga­ling ‘yun. Gamot siya sa maraming bagay katunayan noong 1930s pa ito talagang ginagamit bilang gamot,” pahayag nito sa isang panayam.

Ang ipinagtataka niya ngayon ay kung bakit ipinagbabawal ang paggamit nito. Sa pinakahuling balita, ikinatuwa nito na  bumabalik na ‘yung katotohanan na gamot talaga ito. Magkagan’un man, pakiwari nito ay isang mahabang balitaktakan pa ang pagdadaanan ng isyu kaugnay sa medicinal marijuana. Ang tanging pakunsuwelo nito ay hindi naman minamadali o sobrang kinakailangan ang pag-legalize sa mari-juana.

Comments are closed.