RICHARD YAP, GOODBYE SHOWBIZ

showbiztuhan

TATANGKAIN uli ng aktor na si Richard Yap ang na makuha ang posis­yon ng Mambabatas sa Cebu. Tumakbong Cong­ressman si Richard last election pero hindi pinalad dahil mabigat ang nakalaban niya. Kahit sikat si Richard noon dahil katatapos lang ng teleserye sa ABSCBN na Please Be Careful with My Heart with Jodi Sta Maria, natalo  pa rin siya.

Sa 2022 elections, tatangkain uli ni Richard na makuha ang pagiging kongresista sa 1st district ng Cebu. Nakapag-file na raw ang actor pero may problema. Paano nya hahatiin ang kanyang oras sa pangangampanya at sa shooting ng teleserye niya sa GMA7 na I Left My Heart in Sorsogon, na hindi pa man nag-uumpisa? Isa pa, bawal sa kandidato ang lumabas sa television habang ongoing ang kampanya. Tatalikuran ba niya ang showbiz? Malalaman natin yan sa susunod na mga araw.

 

 

PEARL OF TOKYO NA SI SHERYL ALCANTARA YUSA NASA PINAS PARA MAG-CHARITY

SIKAT sa bansang Japan si Ms Sheryl Alcantara Yusa. Isa siyang Model at Enterprenuer. Sa Japan nanirahan si Ms Sheryl. Ilan taon din siya dun bago bumalik sa Pinas. Tinaguriang Pearl Of Tokyo si Ms Sheryl dahil sa daming shows na ginawa nya dun. Nakilala siya sa bansang Japan bilang isang magaling na performer. Yumaman at nakapag-ipon si Ms She­ryl. Kaya ngayong pandemic naisip niya na bumalik sa Pinas para magbahagi ng kon­ting tulong sa ating mga kababayang kapuspalad. Ito ang ultimate dream ni Ms Sheryl na makapagbahagi ng kung ano man ang meron sa kanya ngayon. Bilang isang good samaritan, naisip nya na puntahan ang mga depressed area para dun magbahagi. Sa bandang Antipolo Rizal siya nakatutok sa ngayon. Dahil mas malapit sa kanya at mas madali para sa kanya na iabot ang tulong. “Isang karangalan para sa akin na makapag bahagi ng kung ano man. Kahit na hindi malaki ang importante ay nakakatulong” bungad ni Ms She­ryl sa akin. Bakit nga ba umuwi lang siya sa Pinas para siya ang personal na mag-abot ng tulong. Pwede naman na ipaabot na lang niya o ipadala na lang nito. “Mas gusto ko talaga nakikita sila ng personal. Mas gusto ko nakikita nila ako at ramdam na ramdam ko ang mga ngiti na isinusukli nila sa akin tuwing inaa­bot ko sa kanila ang tulong. Mas ramdam ko ang totoong pagiging Kristyano kapag sila mismo ang nakakausap ko. Ramdam ko ang kahirapan dahil lumaki akong hindi naman kami mayaman. Nag sumikap lang talaga ako para kami ay makaahon sa matinding kahirapan,” pahayag pa ni Ms Sheryl Sa ngayon may aabangan kay Ms Sheryl dahil nag­uumpisa na siyang mag­vlog sa YouTube. Ang kanyang YouTube Channel ay Sheryl Alcantara Yusa at may mga na upload na siyang video.

First Celebrity Guest ni Ms Sheryl ay si Keanna Reeves. Masaya ang vlog nya. Masaya ang topic hindi boring. Kaya kung wala kayong ginagawa ay panoorin ang kanyang vlog. Mag-subscribe na rin sa mga gustong mag-enjoy sa vlog ni Ms Sheryl.

Comments are closed.