TILA hindi kagat ng masa ang tambalan nina Arra San Agustin at Ken Chan kahit pa sabihin na crush ni Ken si Arra at feeling niya ay girlfriend material ang dalaga. Kaya nga ba naging selling factor ng “My Special Tatay” nila ang romansang unti-unti na sanang nabuo sa dalawa.
Pero habang tumatagal ang teleserye at naging asawa ni Ken bilang si Boyet, si Rita bilang si Aubrey ay mas kinilig ang masa sa dalawa. Mas naging interesado pa ang mga ito sa kakaibang kumbinasyon nina Ken at Rita. Sa katunayan pa nga ay may nabuo pa silang fans club at laging nakasubaybay sa dalawa sa mga road show nito.
At hindi lang sa teleserye nagtapos ang kilig kina Ken at Rita, gumawa pa sila ng isang kanta na mapapakinggan online at produced ng GMA Music at pagsinusuwerte pa talaga ang dalawa ang kanilang duet song ay malamang maging isang album.
Ani ni Rita, maging siya man ay hindi makapaniwala na magkakaroon siya ng ka-loveteam na tatangkilikin ng masa. Sa tinagaltagal niya raw sa mundo ng showbiz ay ngayon lang naramdaman ni Rita na-appreciate din ng masa ang kanyang acting talent. Isa pa rin sa labis na kinagugulat ni Rita ay mas nakilala raw siya ngayon ng tao bilang si Aubrey at hindi bilang si Rita Daniela, ang Popstar Kid singing champion ay kinabog pa si Julie Anne San Jose.
Sa takbo ng pangyayari, tila unti-unti nang nakikipagsabayan si Rita kay Julie Anne pagdating sa pag-arte.
ZSA ZSA PADILLA MAY BAGONG KINAHUHUMALINGAN
TILA nahanap na ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla ang gusto niya sa pagdating nang araw na maisip niyang mag-lie low na sa showbiz. Heto ay ang pagpa-farming. Sa umpisa ay naging bakasyonan lang ni Zsa Zsa ang binili niyang isang farm sa bandang south ng bansa, pero naging madalas na ang punta ni Zsa Zsa sa kanyang farm lalo pa noong kasagsagan ng intrigang reformat ng kaisa-isa niyang show sa ABS CBN2 na “ASAP” at naging “ASAP Natin ‘to” ang title ng show sa pagpasok ni Regine Velasquez-Alcasid sa Sunday Musical Variety Show ng Dos.
Hindi man nasibak si Zsa Zsa sa naturang programa pero sa ibang magaling na singer ng Dos umikot na rin halos ang show. Sa dalas ng punta ni Zsa Zsa sa kanyang farm, tila kinakarir na niya ang maging isang farmer. Sa katunayan pa nga ay bumili ulit si Zsa Zsa ng isa pang farm kung saan ang mga tanim ay prutas na tulad ng dalandan. And there’s more pati na rin ang kanyang anak na si Karylle ay tila nahihiligan na rin ang farming.
Minsan na niyaya ni Zsa Zsa ang anak at tila nagustuhan din ni Karylle ang buhay sa farm. Hindi kaya dumating ang time na silang mag-ina ay mamalagi na lang sa farm at gawin itong negosyo na rin?
Comments are closed.