BAGO pa man aksidenteng mabuo ang tambalan nina Rita Daniela at Ken Chan ay pareho silang struggling sa kanya-kanyang karir. Si Rita, sa kanyang singing/acting career, ganundin si Ken. Nagbida na at pinag-usapan Ken sa launching teleserye niyang “Destiny Rose” pero nang mabuo ang kanilang chemistry sa teleseryeng “My Special Tatay” ay parehong nag-boom ng husto ang karir ng dalawa.
Nagkaroon sila ng sariling duet song, nag-concert na rin at ngayon ay nasa primetime bida na ang tambalan ng dalawa sa “One of the Baes”. Kaya nga labis-labis ang pasasalamat nila sa isa’t isa sa nabuong pagkakaibigan at loveteam.
Bukod kasi sa “One of the Baes’ ay regular host din sila sa “The Clash: Season 2”. Ani ni Ken, masaya siya sa nakikitang unti-unting paimbulog ng kanilang loveteam. Halos sabay nga ang dalawa sa patuloy na pagsikat at pagkatupad sa pangarap.
Ani naman ni Rita, masaya siya at nabigyan siya ng pagkakataon na makasama si Ken at mas nakilala ito ng husto. Kung matatandaan bago pa man ibigay kay Rita ang kanyang role sa “My Special Tatay” ay itinalaga na ni Rita sa sarili na magla-lie low na muna siya sa showbiz pero biglang boom ang kanilang loveteam at naging daan ito para ipagpatuloy ni Rita ang kanyang showbiz karir.
MIGO ADECER NAGKA-LEKSIYON SA PAGKASANGKOT SA CAR ACCIDENT
LESSON learned para kay Migo Adecer ang nangyaring insidente sa buhay niya kung saan ay nasangkot ang young actor sa isang car accident last March. Sa pangyayaring ito ay napiit pansamantala si Migo hanggang sa mailabas siya ng kanyang abogado.
Sa ngayon ay moving on na ang peg ni Migo. Say ng young actor, pasalamat siya at walang malalang nangyari sa naturang car accident at na-revoke ang kanyang driver license for 2 years kung kaya, ban na muna ang actor sa pagmamaneho. Kaya, ingat-ingat na si Migo sa kanyang mga ginagawa lalo hyper din siya kung kumilos, as in tila kiti-kiti.
Pasalamat ang young actor na sunod-sunod naman ang kanyang proyekto sa GMA-7 pagkatapos ng insidente, isang paraan para madali siyang makapag-move on. May movie rin siyang ginagawa kasama si Kyline Alcantara. Tuwang-tuwa naman si Migo sa pagiging friend nila ni Kyline, off cam daw ay makulit din ito tulad niya. Andun ang harutan nilang magkaibigan na tipikal sa mga kabataan ngayon. Pero pagdating naman daw sa trabaho ay kakaibang Kyline ang kanyang nakakasama, nawawala ‘yung makulit na Kyline at napapalitan ng isang propesyonal na young actress.