Looks like may pinagpapartehan ang dating magka-love team na sina Ken Chan at Rita Daniela. Nag-aaway ba sila o nagkakatampuhan lang? Wala na kayang RitKen love team?
Ani Ken, magkakanya-kanya raw muna sila ng projects na iba ang makakatambal. Walang nagsasalita ng masama sa kanila tungkol sa kung anumang tampuhan meron ang dalawa, pero hindi na rin sila nagkakasama.
Komento ng isang netizen, mas masakit malamang may nag-backstab kesa malaman kung ano ang salitang ipinang-backstab.
“Nakuha mo!!” sang-ayon ni Ken. Kaya naman lalong pinagdudahang si Rita ang tinutukoy ni Ken, at iyon ang dahilan ng tampuhan nilang dalawa.
“Pasensya na naaapektuhan ko kayo. Hindi ko lang din kasi kinaya,” dagdag pa ni Ken. MS U 2021
HARNAAZ WALANG PAKI SA BASHERS
Hindi apektado si Miss Universe 2021 Harnaaz Kaur Sandhu sa mga body shamers dahil mas mahalaga umano ang laman ng puso kesa pisikal na anyo.
Aniya, hindi dapat magpa-pressure ang sino man para lang mag-fit sa beauty expectations ng society. Binigyang diin niyang ang kagandahan ay higit pa sa timbang at magandang mukha kundi kung paano i-represent ng tao ang kanyang sarili.
“You are unique. You are beautiful. And nobody can be like you and that’s the best thing that you have,” aniya. “And we all are women of all colors, all shapes, all sizes, and that is what Miss Universe means to us.”
Medyo tumaba si Harnaaz kaya napintasan siya ng mga body-shamers. Pero paliwanag niya, meron siya ngayong medical condition na kung tawagin ay Celiac disease. Ang Celiac disease ay “immune reaction to eating gluten, a protein found in wheat, barley, and rye,” at basically, allergic si Harnaaz sa lahat ng pagkaing may wheat, barley, at rye na makaka-trigger ng immune response sa kanyang small intestines. Nakakapinsala ito at pinipigilan ang katawan na i-absorb ang nutrients sa pagkain.
Ani Harnaaz, dati nabu-bully siya dahil sa sobrang payat. Ngayon naman, nabu-bully siya dahil tumataba siya.
JANINE GUTIERREZ, PAULO AVELINO NAG-ENJOY SA NEW YORK
Mukhang sobrang nag-enjoy sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa New York base sa mga pictures nila sa Instagram na may title na “Once upon a time in New York.”
Hindi man kita dito ang mukha ni Paulo, na-tagged naman siya ni Janine. Feeling talaga ng mga followers nila, may brewing affair na ang dalawa. Tingin n’yo?
ANAK NI HANS MONTENEGRO NAKALUSOT SA MS WORLD PH 2022
Pasok sa 40 candidates na maglalaban-laban sa Miss World Philippines 2022 pageant ang anak ni Hans Montenegro na si Ashley Subijano.
Si Ashley ay anak ni Hans sa dating beauty queen na si Caroline “Cara” Subijano na kinoronahang Bb. Pilipinas-World noong 1994 at nakapasok sa Top 10 ng Miss World 1994 pageant na ginanap sa South Africa.
Ayon kay Ashley, dalawang taon na siyang nagsasanay para makasali sa Bb. Pilipinas. May karanasan na rin siya sa pageantry dahil nakoronahan na siyang Miss Charm Philippines 2019. Dapat sana ay magiging kinatawan siya sa kauna-unahang Miss Charm International 2019, pero hindi ito natuloy dahil sa pandemya.
Kasal si Hans kay Cara pero nagdiborsyo sila at lumaki si Ashley na naroon ang kanyang ina. Gayunman, nakita niya ang paglaki ng anak. Nagpakasal uli si Hans kay Marilen Faustino at nagkaroon sila ng dalawang anak. Si Cara naman ay nag-asawa rin sa Amerika pero hindi siya nagkaanak.
Hindi na raw sila nagulat ni Hans na sumali si Ashley sa Bb. Pilipinas dahil may pagmamanahan naman ito.
PATAYIN BA SI KIM CHIU!
Trending sa social media kahit pa dinepensahan ni Kim Chiu si presidentiable Leni Robredo nang batiin siya nito sa kanyang birthday sa pamamagitan ng video.
“Kim, happy, happy birthday. Magkasunod pala birthday natin. But I want to wish you a very happy birthday. I know you’re in a good place now.”
Naging isyu ito sa mga basher ni Robredo dahil parang pakikiramay sa halip na birthday greeting ang kanyang sinabi.
Pero hirit ni Kim sa basher: “Wag ka nga! Di naman ikaw yung binati eh. Ako diba? Ako yung nag birthday. Nakikinood ka na nga lang ganyan ka pa. Para sakin naman yung message. Ikaw ba? Nabati ka na ng taong tinitingala mo sa birthday mo?”
AUBREY MILES, TROY MONTERO ACCIDENTAL LOVE STORY
Labing walong taon na ang relasyon ina Troy Montero at Aubrey Miles, isa sa pinakamatagal na relasyon ng parehong artista sa Philippine showbiz, pero maniniwala ba kayong aksidente lamang kaya sila nagkarelasyon?
Pinaamin kasi si Troy ng live ni Kris Aquino kung sino ang kanyang celebrity crush, at sinabi niyang si Aubrey pero hindi pa sila magkakilala. Kaso, nasa kabilang studio lang noon si Aubrey dahil co-host siya sa kasunod na noontime show na live telecast din.
In fairness, crush talaga ni Troy si Aubrey nang una pa man niya itong nakita sa FHM 100 Sexiest Women live fashion show.
Niligawan daw ni Troy si Aubrey ng six or seven months bago naging sila. Ngayon nga, 18 years na silang nagsasama at kelan lamang nila naisipang magbalak na magpakasal. Dapat sana, April 2020 sila magpapakasal, kaso, natapat sa kasagsagan ng pandemya kaya hindi natuloy. Sa ngayon, officially engaged na sila, pero wala pang specific date ang kasal.