ROAD WARRIORS BUHAY PA

nlex

Mga laro bukas:
(Philsports Arena)
3 p.m. – San Miguel vs Meralco
5:45 p.m. – Rain or Shine vs Magnolia

NAG-INIT ang NLEX sa second half upang patalsikin ang Meralco, 92-81, at manatili sa kontensiyon para sa playoffs sa PBA Commissioner’s Cup kahapon sa PhilSports Arena.

Nagbuhos si Earl Clark ng 40 points at 11 rebounds at nakakuha ng sapat na tulong mula sa kanyang local teammates habang na-outscore ng Road Warriors ang Bolts, 53-24, sa second half at 28-10 sa final canto upang tapusin ang eliminations na may 5-7 record overall.

Hinihintay ngayon ng NLEX ang resulta ng Friday match sa pagitan ng 5-6 Rain or Shine at 9-2 Magnolia. Kung matatalo ang Elasto Painters ay mapupuwersa ang sudden death sa Road Warriors para sa eighth at last slot sa quarterfinals.

Sinabi ni NLEX coach Frankie Lim na haharapin na lamang nila ito kapag nangyari na. “Before the game sinasabi ko sa kanila na I just want to think about this game and not the things that will happen tomorrow,” aniya.

“Just win this game first and we’ll see what’s gonna happen,” dagdag ni Lim. “Bahala sila sa game nila. Basta kami tapos na… mag-aantay kami.”

Makaraang malasap ang ikalawang sunod na kabiguan para mahulog sa 4-7 kartada, ang Meralco ay may tsansang magtapos din sa 5-7 kung mananalo sa kanilang huling laro kontra San Miguel Beer sa Biyernes. Gayunman, dahil sa quotient na pinababa ng 1-5 simula sa mid-season tourney, ang pinakamatikas na pagtatapos na maaaring matamo ng Bolts ay 10th.

Sa pagkatalo ng Meralco ay nakuha ng 6-5 SMB, 6-6 NorthPort at 6-6 Phoenix Super LPG ang outright quarterfinals berth.

Nag-ambag si Don Trollano ng 16 points at 9 boards habang umiskor si Brandon Ganuelas-Rosser ng 10 points, pito mula sa third period kung saan tinapyas ng NLEX ang kanilang deficit sa 64-71.

Nanguna si KJ McDaniels para sa Meralco na may 22 points at 9 caroms.

CLYDE MARIANO

Iskor:
NLEX (92) – Clark 40, Trollano 16, Ganuelas-Rosser 10, Chua 6, Alas 6, Rosales 6, Varilla 5, Miranda 3, Nieto 0.
Meralco (81) – McDaniels 22, Black 17, Maliksi 12, Quinto 8, Hodge 8, Banchero 7, Caram 5, Jose 2, Pascual 0.
QS: 23-30, 39-57, 64-71, 92-81.