ROBIN PADILLA NAIPAGHANDA NI MARIEL NG B-DAY CELEBRATION KAHIT NASA MALAYO

IPINAABOT  ni Robin Padilla sa kanyang Instagram account ang pasasalamat  hotshotsdahil  nasa mabu­ting  kalagayan si Mariel Rodriquez at ang kanilang second baby girl na si Maria Gabriela na isinilang sa Tate kamakailan.

Ipinost ni Robin ang larawan ni Mariel na makikitang  basa ang blouse  nito sa dibdib na nangangahulugan na sagana sa gatas ang TV host/actress.

“Sa  ngalan  ng  nag-iisang Panginoong Maylikha  ang pinakamapagpala  at ang pinakamahabagin,  ma­raming-maraming salamat  po  o aming  nag-iisang  Diyos  sa inyong pagpapala sa amin ni Mariel. Nasa mabuti pong kalusugan  ang  aming bunsong anak na si Maria Gabriela  lalo’t  umaapaw  po ang pagdating ng gatas ni Mariel,” bungad na caption ni Robin.

Nagpasalamat din si Robin kay Mariel na kahit  malayo ay nagawa pa nitong  mag-prepare  para sa kanyang 50th birthday.

“@marielpadilla: babe, thank you sa pagpapasaya sa akin mula August 9 hanggang ngayon, birthday  ko na rin dahil sa mga kinumpuni mo at inihanda ninyo para sa akin na kahit malayo ka ay ramdam na ramdam pa rin kita.

“Salamat sa lahat-lahat, alam ko, pagod na pagod ka dahil nag-umpisa na ang pumping station kaya kulang na kulang ka sa tulog  pero nagawa mo pa rin na maging memorable  ang aking 50th birthday, Alhamdulillah,” mensahe ni Robin kay Mariel.

Sa comment section ay sinagot  naman ito ni Mariel ng, “I Love you.”

Nagpahayag din si Sharon Cuneta na excited na siyang makita ang bunsong anak nina Robin at Mariel.

“Congratulations on our new princess, Maria Gabriela!!! Cannot  wait  to  meet her and see Isabella too! God bless your fa­mily! Happy for you and Mama Mariel!  (When you coming home?-Much  love  to you all,” comment  ng Megastar.

GRETCHEN BARRETTO MAY BAGONG MANSION  

SA kanyang Instagram ibinahagi ni Gretchen Barretto ang kanyang bagong mansion na kahit hindi pa talaga tapos at kulang pa sa mga kagamit-an ay ipinakita  na niya sa kanyang mga malalapit na kaibigan.

Ang ikinasiya at ikinatuwa pa ni Gretchen ay nang bumisita ang kanyang  ina na si Inday Barretto sa kanyang bagong itinayong bahay.

Ibinahagi naman ni Raymond Francisco sa kanyang Instagram story ang  pagkikita ng mag-ina na kung saan mahigpit na niyakap ni Gretchen ang ina.

Sa pagkikita ng mag-ina ay sinabi ni Mommy Inday na plano nitong tumira sa bagong tahanan ng anak.

“Dito  na ako kasi ma­rami  akong anak dito, eh,” aniya.

Dumalo rin ang mag-inang Gretchen at Mommy Inday sa isang misa. Nandoon din si Claudine Barretto sa ginawang house tour.

Lalo  sanang magandang tingnan kung lahat ng mga magkakapatid na Barretto present din sa house tour ng bagong mansion ni Gretchen.