KARAMIHAN sa mga Instagram followers ni Robin Padilla ay nagulat sa kanyang reaksiyon.
This is in contrast to his stand at the height of the franchise renewal issue of ABS-CBN last February.
At first, the actor seemed to favor the Office of the Solicitor General (OSG) in their attempt to file a quo warranto petition against ABS-CBN.
In a petition submitted at the Supreme Court last February 10, sinabi ng OSG na nilabag ng network ang ilang provisions sa kanilang prangkisa.
Robin’s reaction was that, “ang lahat ay mananagot kapag lumabag sa batas.” Dinelete kaagad ni Robin ang naturang post.
Secondly, sinita ng aktor ang celebrities who expressed their support to ABS-CBN.
Thirdly, Robin was able to accuse the reigning Kapamilya superstar Coco Martin nang pambubuhos diumano ng tubig sa mga kasamahan nito sa trabaho.
Pinabulaanan naman ito mismo ng mga katrabaho ni Coco sa primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.
Sa ngayon, marami ang nagtataka kung bakit bigla raw “kumambyo” si Robin at pinaboran sa ngayon ang ABSCBN.
Dahil dito, inakusahan si Robin of being a “hypocrite.” Alam naman daw kasi ng aktor ang taong nasa likod ng pagpapasara sa network.
Pinagtaasan din ng kilay ng netizens ang allusion ni Robin sa Dos bilang “aming network.”
Bigla raw kayang na-realize nito na may utang na loob din siya sa ABS-CBN, pati na ang kanyang mga kamag-anak na nagtatrabaho sa network?
Kapamilya talent, for one, ang misis niyang si Mariel Rodriguez, along with his nephew Daniel Padilla, who happens to be a son of his brother Rommel Padilla.
Ipinagtanggol naman ng isang Instagram follower ni Robin ang aktor laban sa kanyang mga bashers.
Binatikos raw noon ni Robin ang ABS-CBN para maitama ang hindi patas na pagtrato sa maliliit na empleyado ng network, but not to the point na ipasara niya ito just like what happened.
Sinilip naman ng press ang Instagram ni Mariel Padilla. Just like other Kapamilya artists, she also posted her support to the network.
Alongside with the solidarity ribbon logo of ABS-CBN, a simple “FOREVER” was her caption.
Kasama ng kanyang (Mariel) one-word comment, ang tatlong heart emojis na kulay red, green, at blue.
At any rate, it would be noticed that the comment feature of her Instagram was disabled.
As of press time, Mariel’s post was able to garner 29,900 likes.
KEANNA REEVES AT POKWANG: SIMPLENG FRANCHISE SINAKYAN NG POLITIKA KAYA WATAK
NANINIWALA si Keanna Reeves na pansamantala lang ang pagpapasara sa ABS-CBN at babalik rin ito.
“Simpleng FRANCHISE sinakyan kasi ng politika kaya nagkaproblema, kasi kung usaping politika ay hindi talaga puwede tayo magkatugma ng paniniwala kaya tayo nagkawatak-watak.
“Sari-saring opinyon pero hindi nyo tiningnan yong UGAT ng problema.
“Kayong mga congressman puro lang kayo pabida pero hindi nyo agad ginawa, bakit nag-aantay ba kayo ng LAGAY ng panahon?
“Hinayaan n’yo munang uminit para kayo ang bida!!!”
Pabor naman si Pokwang sa punto de vista ni Keanna.
“TOTOO sis Keanna Duterte Reeves.
“Buti ka pa, pantay ka lang sa paniniwala mo, ‘yung ibang pinalamon ng ABS at binigyan ng magandang break, mga animal, mga ahas!”
Anyhow, kung hindi raw ito maaayos sa Kongreso, baka matatagalan pa ang pag-uusap sa renewal.
Hanggang June 4 na lang daw kasi ang session ng Kongreso.
Magkakaroon na naman ng recess, and would be back by the third week of July in connection with President Rodrigo Duterte’s SONA.
Sana man lang daw, magkaroon ng linaw itong provisional franchise na maaaring ibigay ng NTC.
ANDI EIGENMANN PROUD SA KANYANG STRETCH MARKS
HINDI naging maingat sa kanyang first pregnancy si Andi Eigenmann kaya nagkaroon siya ng stretchmarks. Pero kapag maganda raw ang anggulo at mahusay ang lighting, “it sometimes seems like it isn’t there.”
But the celebrity mom was able to accept the fact that her stretchmarks would always be a permanent fixture of her body.
“With consistent exercise,” she asseverated, “eating healthy, and some trusty argan oil, I believe it improved over time, but I’m aware that it will never actually go away.”
Ang kanyang stretchmarks daw ay isang pagpapaalala how amazing a woman’s body actually is.
Nagkaroon raw siya nito sa kanyang first pregnancy sa anak niyang si Ellie. Bagama’t naitatago niya ito minsan, pero ang stretchmarks sa kanyang tiyan ay hindi nawawala.
Nevertheless, hindi raw nagsisilbing hindrance para sa mga ina para maisuot nila ang mga damit na gusto nilang suotin.
“Just because we have these belly marks, doesn’t mean we aren’t allowed to wear your favorite cropped tops and bikinis anymore!
“I’ve grown to be more comfortable and proud of them because hey! This body has done amazing things.
“It carried my two beautiful girls for 9 months, and gave birth to them safely, too! I hope you guys will realize that, too!”
Comments are closed.