PARA sa Kapuso actor na si Rocco Nacino, isang blessing na makasama niya ang mga Kapamilya actor na sina Miles Ocampo, Joem Bascon at Yeng Constantino.
Sila ang mga co-stars niya sa pelikulang “Write About Love” ng TBA Studios.
Ani Rocco, hindi naman siya nahirapan na makipag-bond kay Joem dahil kaibigan niya ito. Si Miles naman daw ay first time niyang makatrabaho.
May common denominator naman daw sila ng singer-actress na si Yeng dahil pareho raw silang mahilig uminom ng kape.
Sey pa niya, gusto rin daw niyang gayahin si Alden na nakatatawid ng ibang network lalo na kung may proyekto sa isang pelikula.
“Happy ako at sana more projects. At ang laki ng tulong na naging successful ang pelikula ni Alden (Richards) lalo siyang magbubukas ng windows and opportunities para sa amin na mag-work sa ibang network,” aniya. “Dahil din doon parang pawala ng pawala ang network war kasi kaya na natin gumawa ng quality movies. We have the same goals to make quality movies. Maraming mababago,” ani Rocco.
Dagdag pa niya, mas healthy raw kung hindi naiipit sa network war ang mga artista sa kanilang mga trabaho.
Malaking factor din daw ito sa naging tagumpay ng Hello, Love, Goodbye, ang pelikula ng Kathden na may record na highest grossing Pinoy film of all time.
“This movie (Write About Love) will prove na kaya namin (mag-work) kahit magkaiba ng network,” giit pa ni Rocco.
Tungkol naman sa paglagay sa tahimik, hindi pa raw nila priority ito ng kanyang girlfriend.
KRIS AT VICKY LIFETIME ACHIEVEMENT AWARDEES SA PMPC STAR AWARDS FOR TV
INANUNSIYO na ng mga bumubuo ng 33rd PMPC Star Awards for Television 2019 ng Philippine Movie Press Club, Inc. ang Lifetime Achievement awardees sa darating na Oktubre 13.
Ang honorees ay walang iba kundi ang digital empress na si Kris Aquino at batikang broadcaster na si Vicky Morales.
Mula sa deliberation ng 40 plus PMPC officers and members, headed by current president Sandy Es Mariano, si Kris nagwagi sa boto upang maging recipient ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award.
Ipinagkakaloob ito sa artista, TV host, o behind the scene people na nagmarka ang mga natatanging rekord o kontribusyon sa daigdig ng telebisyon.
Noong nagsisimula pa lang si Kris on TV ay hindi matatawaran ang husay nito bilang host ng sarili niyang daily morning show “Today With Kris Aquino” (na pabalik-balik sa ere with other titles), “Showbiz Lingo”, “The Buzz”, and a lot more.
Inabangan ng publiko ang anumang mga rebelasyon niya sa personal niyang buhay, minahal siya ng mga tao dahil sa kanyang pagkaprangka.
Ang parangal ay ipinangalan sa yumaong direktor ng classic Pinoy TV show na “John En Marsha” na ilang dekadang namayagpag sa ere at naging movie series pa.
Noong 1980s, binansagan ng PMPC members si Mr. Fernando bilang “Father of Philippine Television”.
Samantala, si Vicky Morales na gagawaran naman ng Excellence In Broadcasting Lifetime Achievement Award.
Come 2020 ay 30 years na sa broadcasting (and public service) si Vicky at sadyang napakayaman na rin ng kanyang karanasan sa larangang ito.
She’s one of the best, most credible newscasters in the industry. Super happy si Vicky sa said prestigious honor.
Umikot na si Vicky sa pagiging anchor ng iba’t ibang GMA news programs, lalo na ang top-rated na “Saksi” at “24 Oras”. She also hosts the long-running “Wish Ko Lang”.
Comments are closed.