ROCCO NACINO ISA NANG CERTIFIED PHIL NAVY RESERVIST

ROCCO NACINO

TINANGGAP na ni Kapuso actor Rocco Nacino ang certificate niya ng pagtatapos ngshowbiz eye Basic Civilian Military Training sa Bonifacio Naval Station sa Cavite last Saturday morning. Sinamahan si Rocco ng parents niyang sina Ralph at Linda Nacino at girlfriend na si Melissa Gohing.

Sa kanyang Ins­tagram nag-post si @nacinorocco, Today I was welcomed aboard as a Philippine Navy Reserve.  Received the certificate of completion for the Basic Civilian Military Training, and a citation for finishing first for the Physical Fitness Test.  Ready to work my way up! All of this not to brag, but to be of service by motivating the youth to embrace patriotism and instill discipline while early in their lives.  Para sa Bayan, para sa Kinabukasan! #PhilippineNavy # Reserve.”

Umani ng mga pagbati si Rocco sa mga kasama niya sa GMA Network, sa pangunguna ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na kasama niya sa ginagawa nila ngayong Pinoy adaptation ng Korean Drama na “Descendants of the Sun,” na tiyak na magagamit niya ang training niya sa Philippine Navy sa mga eksena ng teleserye na dinidirek ni Dominic Zapata.

Nag-post din ng comment si @gohingmelissa Proud of you mi amor, na sinagot naman ni @nacinorocco Thank you for being there, love!

Bago ito, nagkaroon din muna ng contract signing si Rocco sa GMA Kapuso Foundation (GMAKF) ni Mel Tiangco, kasama sina Bea Binene at Patricia Tumulak  appointing them as advocates of public service to encourage more youths to take part in GMAKF’s disaster, relief, education and health programs.

Si Rocco, bago siya pumasok sa showbiz ay graduate ng Nursing, na makakatulong sa kanya sa mga advocacies niya.  Congratulations Rocco!

PRIMA DONNAS MASAYA NA ANG BUHAY 

MASAYA at thankful ang gumaganap na triplets sa GMA Afternoon Prime series na PRIMA DONNAS“Prima Donnas” na sina Jillian Ward (Donna Marie), Althea Ablan (Donna Belle) at Sofia Pablo (Donna Lynn) dahil sa mataas na rating na nakukuha ng kanilang serye na dinidirek ni Ms. Gina Alajar.  Kumusta ang samahan nila ngayong marami na silang pinagdadaanang pagsubok habang hinahanap nila ang kanilang tunay na ama?

“Mas maganda po ang samahan namin, ini-enjoy namin lahat ng ginagawa namin, kahit mahirap ang mga eksena.” Nakangiting sagot ni Jillian.  “Ngayon po nailalabas na namin ang tunay na kami, nawala na po iyong ilangan namin nang una kaming magkasama-sama.  Pero inaamin po naming may pressure rin sa amin dahil marami nang mangyayari ngayong nagkita na ang tunay naming ama si Jaime (Wendell Ramos) at surrogate mother na si Lillian (Katrina Halili).

“Maraming-marami pong salamat sa patuloy ninyong pagsubaybay sa amin araw-araw, after ng “Magkaagaw.”

KATRINA HALILI NAGBABALA NG ‘NIGHTMARE’ KAY AIKO MELENDEZ

EXCITED naman si Katrina Halili sa “Prima Donnas” ngayong nagkita na sila ni KATRINA HALILIWendell Ramos at makakaharap na niya sina Aiko Melendez at ang anak nitong si Elijah Alejo na nagpapanggap na anak ni Wendell.

Post ni Katrina sa kanyang Instagram wall, “simula na ng nightmare ng mag-inang Kendra (Aiko) at Brianna (Elijah) kapag nagkita na kami.”

Pero tanggapin naman kaya si Lillian (Katrina) ng Claveria matriarch na si Lady Prima (Chanda Romero) bilang surrogate mother ng triplets?

Comments are closed.