ROCHELLE PANGILINAN ‘DI MUNA FEEL KUMUHA NG YAYA PARA SA ANAK

rochelle pangilinan

MAS lalong su­meksi si Rochelle Pangi­linan months after na magsilang ng first babywallface nila ni Arthur Solinap. Super sexy at medyo lumaki ang kanyang dibdib for obvious reason naman na breastfeeding talaga si Rochelle sa kanyang baby.

Ngayon back to work na si Rochelle, via  te­leseryeng “The Gift” ni Alden Richards, natanong siya kung sino ang nag-aalaga ng kanilang baby kung nasa taping ang kanyang byuti. Ani ng actress, palitan daw sila ng mister sa pagbabantay, pag may work siya, si Arthur ang yaya at pag si Arthur naman ang may work siya ang nag-aalaga.

Paano naman kaya pagsabay ang kanilang taping schedule? Apat na yaya raw ang kapalit, ang mga lola at lolo nito na sa tuwing tatawagan daw nila para magyaya sa kanilang baby ay  mas maaga pa nga raw itong dumarating kaysa sa tinakda nilang oras.

Bakit naman kaya di feel ng mag-asawa na kumuha ng yaya na titingin talaga sa kanilang anak? Ani ni Rochelle, talagang choice raw nilang mag-asawa na habang alagain pa ang baby nila ay perso­nal silang mag-aalaga rito at kung dumating na raw ang time na naglalakad na ang kanilang baby at dapat na talagang bantayan bawat kilos, ay doon lang daw sila kukuha ng tagapag-alaga. How about sa milk, knowing breastfeeding ang byuti niya?

Ani ni Rochelle, talagang updated siya sa iinuming gatas ng kanyang anak, sinisiguro niyang hindi magugutom ang kanyang baby kahit nasa work silang mag-asawa. Pabiro pa ngang sinabi ni Rochelle na may imbak na raw siya ng kanyang gatas para sa 6 na buwan na konsumo ng kanilang anak.

MARTIN DEL ROSARIO HAPPY NA NABA-BASH

AMINADO ang magaling na actor na si Martin del Rosario na teaser pa lang ng bago MARTIN DEL ROSARIOniyang teleserye sa Siyete, ang “The Gift” na sa ngayon pa lang ay unti-unti na siyang nakakatikim ng mga nega­tibong komento sa kanyang social media account sa pagiging kontrabida niya kay Alden Richards.

Nagulat na lang daw siya sa mga komento na inis na inis sa kanya. May sinagot naman daw siya na sa teleserye lang daw naman siya bad pero sa tunay na buhay ay good guy naman daw siya. Sa pangyayaring ito ay mas lalong na-inspire si Martin na ‘pahirapan’ nang todo-todo si Alden sa kanyang karakter sa “The Gift”.

At pag dumating na ‘yung time na mapapanood na ang mga eksenang ginawa niya na magpapahirap ng husto sa isang ‘bulag’ na Alden ay malamang daw na mag-trending ang galit sa kanya ng mga fans ng Asia’s Multimedia actor.

Happy si Martin na na-aapreciate ng mga bashers ang kanyang role. Kahit naman daw noon time na ginawa niya ang “Born Beautiful” kung saan ay isa siyang transgender, hindi na matapos-tapos ang pamba-bash sa kanyang tunay na gender. Dedma na lang dito ang magaling na actor lalo pa mas kilala raw niya ang sarili. Ngayon nga ay proud na proud ulit si Martin sa latest gay role niya kasama sina Paolo Ballesteros at Christian Bables.