RODERICK PAULATE NAG-LEVEL UP NA ANG PAGIGING KOMEDYANTE

SA pagbabalik-telebisyon ni Rode­rick Paulate ay binalik na rin ang dati na niyang wallfacekarakter na ginagampanan sa pelikula at telebisyon, ang gay role. Kahit pa sabihin na iba na ang panahon ngayon ng pagpapatawa at hindi na uso ang cheap na kabaklaan moves tulad ng mga ginawa ni Roderick sa mga gay movies niya noong dekada 90 ay palong-palo naman sa mga televiewers ang kabaklaan ni Roderick sa bago niyang teleseryeng “One of the Baes” nina Ken Chan at Rita Daniella.

Hit na hit ito sa mga televiewers, pati na rin ang mga kabataan o millenials ay tuwang-tuwa sa gay scenes ni Roderick. Kaya nga ba hindi matapos-tapos ang mga magagandang komento sa kanya ng mga netizens.

Ani ni Roderick, pinag-aralan niya talaga ang umarte na naayon sa panlasa ng makabagong panahon. Maging sa pagpapatawa na kasama ang mga kabataang artista tulad nina Rita at Ken, si Roderick talaga ang nag-a-adjust sa dalawa. Okey lang naman ito kay Rode­rick kahit pa sabihin na isa talaga siyang magaling na actor, para kay Roderick, hindi lang sa nalalaman niya nagtatapos ang lahat, dapat ay mag-level up din siya para makasabay sa mga millennials.

HEART EVANGELISTA NAIIRITA NA SA PAULIT-ULIT NA TANONG KUNG KAILAN SIYA MAGBUBUNTIS

NAG-TRENDING na muli ang bagong blog na pinost ng Kapuso actress na si Heart HEART EVANGELISTAEvangelista. Pumalo agad ito sa 1M views. Habang hindi pa abala sa kanyang mga commitments, isa kasi sa pinagtutuunan ng pansin ni Heart ay ang kanyang blogsite kung saan ay nilalagay niya ang mga aktibidades niya sa araw-araw at mga tips na may kaugnayan sa pagpapaganda at fashion.

Sa isa sa pinaka-latest post kasi ni Heart, ay pinakita niya roon ang sarili habang dinig na dinig ang tinig ng kanyang mister na si dating senador Chiz Escudero na nagtatanong kung magkano ang kanyang ginastos nitong nakaraang byahe niya sa ibang bansa para sa isang fashion event.

Walang sinagot si Heart kundi ang isang visual effect na tila unti-unti siyang nagiging invisible at lumalayo sa mister. Bukod sa post na ito ay klik na klik din sa netizens ang ginawang pagkain ni Heart ng isang isaw o bituka ng manok na pinirito.

Knowing Heart, na may pagkasosyal, siguradong magdadalawang-isip itong kumain ng mga street foods. At nang subukan kagatin ni Heart ang isaw na pinirito ay bigla niya itong naluwa dahil sa anghang ng naturang isaw.

Samantala, mara­ming netizens ang paulit-ulit pa rin siyang tinatanong kung kalian niya balak na magbuntis muli pagkatapos ng hindi magandang pinagdaanan sa unang pagdadalang-tao.

Say ni Heart, pagda­ting sa paulit-ulit na tanong na ito ay tila naiirita na rin siya. Hindi naman daw kasi ganu’n kadali ang maka-pagmove-on sa kanyang pinagdaanan at sana naman ay unawain siya ng mga nagtatanong hinggil sa kanyang saloobin at sa muling pagbubuntis. Karamihan kasi sa dating ng tanong ay tila pinu-push nila ang mag-asawa na magkaroon na ng anak.

Comments are closed.