ROLE NINA KEN CHAN AT RITA DANIELA INAASAM NG NETIZENS NA MAGKATOTOO

ken at rita

HOOKED na hooked na ang buong sambayanan sa kuwento ng “My Special Tatay” lalo na sa pag-iibigan ng mga karakter nina Ken Chan atbuzzday Rita Daniela bilang Boyet at Aubrey o mas kilala bilang BoBrey.

Paano ba naman kasi ang dating mataray na si Aubrey, nahuhulog na ang loob kay Boyet na dating sinasabihan ng iba na sinto-sinto dahil sa sakit nito.

Hinahangaan ng mga tao ang “change of heart” na nangyayari ngayon kay Aubrey kaya naman mas pinupuri ito ng mga viewer  lalo na ng mga nanay.

Sabi ng isang komentong nakita namin online, maganda ang nagiging takbo ng istor­ya ng GMA Afternoon Prime series dahil kabutihan ang palaging sinasambit ni Boyet kaya hindi kataka-takang naimpluwensiyahan ang asawa. Kaya naman wa­ging-waging ito sa TV ratings at sa puso ng manonood.

Ngayong 2019 tuloy, isa ang relasyon ni Boyet at Aubrey ang tinututukan. Asar pa nga ng ilang netizens ay sana raw pati in real life, may relasyon na ang dalawa. Ang tanong, ano naman ang say ninyo rito, Ken and Rita?

DEXTER MACALINTAL NA BIT ROLE AY LAGING DOKTOR, TUNAY NA DOKTOR NA

MARAMI nang teleserye sa GMA7 na nakasama si Dexter Macalintal mula pa noong “Amaya” ni Marian Rivera at nasundan pa ito ng iba’t ibang serye na halos ang naging papel na na-assign sa kanya ay doktor tulad ng “Wish I May,” “Legally Blind,” “Kambal Karibal,” and just recently sa “My Special Tatay,”  at “Abel at Cain.” Doktor din ang papel niya sa “Walwal.”

Ang unang kursong kanyang tinapos ay Bachelor of Science in Nutrition sa UP Los Baños and took and passed the board examination for Nutritionist-Dietician on the same year. Passion niya talaga ang sining at pag-arte kaya hindi napigilan ang kanyang paglabas sa mga teleserye ng Kapuso in between his career as Nutritionist-Dietician.

Coming from a family of doctors his father Dr. Ponciano Macalintal is an EENT specialist, his two sisters are doctors of ophthalmology and dentistry so he pursued his course in medicine while doing bit roles in teleseryes, and yes, mostly, are roles of a doctor. Puro hospital scene, parang sinadya. He then finished his medical course, took the board examination last October and had his oath-taking ceremony as a certified Physician last December 18, 2018 at the PICC.

On oath-taking day, he posted: “I am beyond grateful to the One Up There for giving my parents the will and strength to witness my oath-taking ceremony as a Certified Physician today. This momentous event means a lot to me. Congratulations to all the new licensed MDs! Let us all be #LifeSavERs! Yes, life is a dream. Realize it!”

Dr. Dexter Macalintal is now saving lives at Taguig-Pateros District Hospital as an Emergency Medicine resident and training to be a specialist of Emergency Medicine.

And while saving lives, his passion keeps burning. He is still dying to act and play roles as a doctor again, maybe, but welcomes other roles, hopefully full length, on TV and even films.

A true artist, Doc Dex also plays the piano, violin, clarinet, guitar and saxophone. His dad made sure his children know how to play instruments and cultivate their artistic inclination when they were young.

There he is, the doctor-actor.  For consultation, and yes, booking, message him on his Facebook account Marc Dexter Magaling Macalintal.

Magaling siya talaga. Accurate as a doctor, take one as an actor.

KAPUSO SHOWS NGAYONG 2019 NA DAPAT ABANGAN

BUKOD sa kanilang amazing fireworks display at world-class performances sa New Year Countdown noong nakaraang gma showsDisyembre 31, ipi-nasilip na rin ng GMA Network ang ilan sa mga programang dapat tutukan ng mga Kapuso viewer ngayong 2019.

Puso talaga ang mananaig sa mga Kapuso dahil sa mga programang “Love You Two,” “Sahaya,” “Kara Mia,” “Mga Kamay ni Milagros,” “The Better Woman,” ang Pinoy adaptation ng Koreanovela na “Descendants of the Sun,” “Inagaw na Bituin,” “Stolen,” “Hiram na Anak” at “Dragon Lady.”

Hindi rin pahuhuli ang pakilig na hatid ng mga programang “TODA One I Love,” “Till Debt Do Us Part,” “One of the Bais” at “Alex and Amie.” Handog din ng GMA ang mga nakaka-good vibes na programa nitong “The Boobay and Tekla Show” at “Studio Juan.”

Kaabang-abang din ang pagbabalik ng “Starstruck” at “The Clash” na talaga namang tinutukan ng taong bayan. Dapat ding abangan ang mga pasabog na hatid ng programang “Sing for Hearts” at “Centerstage Kids.” Kaya naman tutok lang sa GMA sa mga bigating programang ito ngayong taon.

Comments are closed.