SA gitna ng injuries na kinakaharap ng San Miguel Beer ay nakahanap ng paraan si 38-year-old Ross para maiangat ang lebel ng kanyang paglalaro at pangunahan ang Beermen na makabalik sa kontensiyon para sa Top 4 finish sa eliminations ng PBA Commissioner’s Cup.
Ang veteran guard ay naging sandigan ng Beermen mula sa period na Dec. 13 hanggang 17 nang magkasunod na pataubin ng Beermen ang dalawang title contenders sa katauhan ng reigning champion Barangay Ginebra at TNT.
Nagpasabog si Ross ng 22 points sa 95-82 rout sa Kings, at pagkatapos ay naitakas ang 98-93 come-from-behind win laban sa Tropang Giga.
Sa dalawang laro, ang two-time Defensive Player of the Year ay may average na 13.5 points, 5.0 rebounds, 4.5 assists, at 1.5 steals sa isang all-around game na nagbigay-daan para muling umakyat ang San Miguel sa standings sa 5-3 katabla ang NorthPort sa fourth hanggang fifth places, at at nagbigay sa koponan ng tsansang makopo ang twice-to-beat edge sa quarterfinals. Ang leadership ni Ross at ang pamumuno niya sa back-to-back victories ng San Miguel ay naging daan para maging unanimous choice siya bilang PBA Press Corps-Pilipinas Live Player of the Week. Tinalo ni Ross sa weekly honor sina San Miguel teammates CJ Perez at Jericho Cruz, ang Meralco trio nina Allein Maliksi, Chris Newsome, at Chris Banchero, at Rain or Shine’s Andre Caracut at rookie Keith Datu.