ISANG entertainment website ang unang naglabas sa report in connection with an incident involving Ruru Madrid and Bianca Umali.
Tulad ng alam natin, tahasang pinabulaanan ni Ruru on national television ang nangyari sa kanila supposedly ni Bianca but to say that it was able to ruin the credibility of the said entertainment website would be an exaggeration.
Honestly speaking, hindi lamang ang kanyang credibility ang sinira ni Ruru, ginawa rin niyang sinungaling ang kanyang amang si Bong Madrid na nakapagbitaw ng salita na aalis na lang daw sa kanilang tahanan once na makipagbalikan ang kanyang anak kay Bianca, na siya namang ginawa nito sa ngayon.
Bago?
Anyway, may mga CCTV camera sa lahat halos ng sulok nang parking lot ng SM Megamall na magsisilbing witness sa mga pangyayari na buong ningning na itinanggi ng aktor sa ngayon.
But CCTV is no longer needed. Alam naman nina Ruru at Bianca ang katotohanan.
Dahil sa mga nangyari, tarnished na ang credibility ni Ruru at tiyak na marami ang nawalan ng gana sa kanya.
Faithful member pa naman siya supposedly ng Iglesia Ni Cristo at sa ginawa niyang pagsisinungaling, nadamay pa ang simbahan na kanyang kinaaaniban.
‘Yun nah!
DULCE PINAYUHAN SI MORISSETTE NA MAG-APOLOGIZE SA PUBLIKO PARA MATAPOS NA ANG WALKOUT ISSUE
GUSTO ni Dulce na magpakumbaba si Morissette at humingi ng public apology sa kaloka-lokahang ginawa niya sa concert ni Kiel Alo sa Music Museum last Thursday.
“That’s what I’m praying na gawin kasi that’s the easiest thing to do,” Dulce asseverated at the mediacon of The Greatest Show at Cuneta Astrodome of Bida Man runner-up Jiro Custodio the other night.
Dulce went on, “Ang pinakamadaling gawin ay ang magpakumbaba at humingi ng paumanhin.
“Ang bilis magpatawad ng tao. Kasi talagang… once na ginawa mo ‘yun, ano pa ang gagawin mo kundi tanggapin at talagang…
“You know, magpasalamat tayo na dumating sa ganung pag-iisip na kaya naman pala niyang magpakumbaba at humingi ng paumanhin.”
Sa aminin at sa hindi raw kasi ng may pagka-lukring na singer, may mga nagbayad at talagang bumili ng tickets dahil sa kanya. So to settle everything, a public apology will do.
As an entertainer, it is best that he or she should not welcome interviews first and should focus on his/her performance.
HINDI NATUTULOG ANG KASAMAAN NI KENDRA
HINDI talaga tumitigil si Kendra Fajardo (Aiko Melendez) sa paggawa ng mga kademonyohan sa buhay ni Lilian Madreal (Katrina Halili).
Pagkatapos niyang lasunin ang pag-iisip ni Lady Prima (Chanda Romero) sa pamamagitan ng paglulubid nang kasinungalingan sa karakter ni Lilian, hayan at nalagay na naman sa alanganin ang buhay nito nang pasukin ng mga magnanakaw na ka-connive ni Kendra Impakta ang mansyon at masunog ang servant’s quarter na kanilang (Lilian) tinutuluyan.
Sa kabilang banda, nalaman ng magkakapatid na Donna Marie, Donna Belle at Donna Lyn sa dating kapitbahay ng kanilang nanay Lilian na tumira na ang kanilang adoptive mother sa bahay ni Jaime Claveria (Wendell Ramos) kaya nagpasya silang magpunta roon.
Naabutan nilang nasusunog ang mansyon at nalagay sa alanganin ang buhay ni Lilian.
Habang nagtatagal, lalong nagiging kasabik-sabik ang mga kaganapanan sa afternoon soap na ito ng GMA.
Pakaabangan ito right after Magkaagaw nina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr. And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.