RURU MADRID MAY FOOD PARK BUSINESS SA ANTIPOLO, RIZAL

RURU MADRID-2

KASALAKU­YANG umeere ang bagong primetime teleserye ni Ruru Madrid na “TODA One I Love” katambal si Kylie Padilla.entra eksena

Bukod sa pagiging artista, ay masaya ang Kapuso actor  dahil natupad na ang goal nitong makapagpatayo ng negosyo at few months ago ay binuksan ang kanyang food park business na City Block Food Park sa Antipolo City. Malaki pala ang pasasalamat ni Ruru sa kanyang pamilya dahil  hands on sila sa kanyang business. Matatagpuan ang City Bloc sa Manuel L. Quezon Extension, Brgy. San Roque, Antipolo, Rizal at malakas ito.

Ayon pa kay Ruru, ang namayapang manager na si Direk Maryo J. delos Reyes ang nagpayo sa kanya noon na mag-invest ng negosyo para sa kinabukasan niya at ng pamilya na natupad nga ng binata.

MARCO, KRYSTAL, AT BELA MAGPAPAKILIG NGAYONG VALENTINE’S DAY SA iWANT

BAGONG kuwento ng pag-ibig ang maghahandog ng kilig at romansa ngayong araw ng mga puso dahil mapapanood na ang panibagong iWant original movie na “Apple of My Eye,” na isinulat ni Bela Padilla, ngayong Huwebes (Pebrero 14). Matapos ang kanyang mahusay na pagkakasulat ng Star Cinema film na “Last Night,” mu­ling nagbabalik si Bela sa pagtatrabaho sa likod ng kamera para sa kanyang kauna-unahang digital project, na siya rin ang lumikha at nagsilbing co-producer.

Dapat ding abangan ng iWant users ang bagong love team nina Marco  Gumabao at Krystal Reyes na patutunayan ang kanilang chemistry at husay bilang on-screen partners. Kilalanin si Michael (Marco), isang binatang nakadepende ang buhay sa teknolohiya.

KRYSTAL-BELA-MARCOSi Apple (Krystal) naman ay isang ulila na simpleng namumuhay kasama ang mga kamag-anak habang nag-tatrabaho sa isang flower shop. Kahit dalaga na, mas pinipili pa rin niya ang tradisyonal na pamumuhay at umiiwas sa kaguluhan ng social media. Bagama’t magkaiba ang mga mundo, pagtatagpuin sila ng tadhana matapos nilang mapasama sa isang aksidente. Mag-uumpisa sa awayan pero kalaunan ay mauuwi sa pag-iibigan ang kanilang pagkakaibigan sa patuloy nilang pagkaka­kilala sa isa’t isa.

Mapanatili pa kaya nina Michael at Apple ang pagmamahal nila para sa isa’t isa? Ipinrodus ng Dreamscape Digital at ni Bela ang “Apple of My Eye,” na isinulat ni Bela kasama si Andrian Legazpi at idinirek naman ni James Robin Mayo. Mula sa paggawa ng mga teleserye sa telebisyon na minahal at tinutukan ng mga Filipino, panibagong yugto sa pagbibigay ng mga de-kalibreng pelikula ang tatahakin ng Dreamscape Entertainment sa Dreamscape Digital, na siya ring nasa likod ng trending movie na “Glorious” at ang reunion project ng NashLene na “The Gift.” Panoorin ang “Apple of My Eye” nang libre sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph. Maaari na itong i-connect sa TV gamit ang Chromecast at Apple Airplay.

Maaari ring mapanood kahit saan at kahit kailan ng mobile subscribers ang mga palabas at pelikula sa iWant. Para sa Smart, TNT, at Sun subscribers, mag-register lang sa Smart Gigasurf 99 na may Video Every Day sa halagang P99, at may kasama nang 2 GB data pang-surf at dagdag na 1 GB kada-araw para sa isang oras na pano­nood ng videos na valid ng pitong araw. Para sa Globe subscribers naman, maa­aring mag-stream sa halagang P29 sa pag-register sa

GoWATCH. I-text lang ang GOWATCH29 to 8080 para sa 2GB o pataas na data para sa limang oras na panonood sa iWant at iba pang video apps na valid para sa isang araw. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, i-follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

Comments are closed.