(Sa 2022 elections) KALAHATI NG MGA PINOY HINDI BOBOTO

Senate Majority Leader Migz Zubiri

TINATAYANG nasa kalahati ng mga Pilipino ang hindi boboto sa susunod na eleksiyon sakaling mataas pa rin ang kaso ng CO­VID-19.

Ito’y ayon  kay Majority Leader Migz Zubiri sang-ayon sa SWS Survey na kanyang kinumisyon na isinagawa ito noong Hunyo.

Sa privilege speech ng senador, sinabi nito na ipinatanong niya sa survey kung boboto ang res­pondent sakaling mataas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar sa araw ng botohan.

Lumabas na 46% ang nagsabi na hindi sila boboto, 35% ang nagsabing  boboto habang 19% naman ang undecided.

Giit ng senador, nakababahala ito dahil nangangahulugan na ang mahahalal na mga lider ng bansa mula presidente hanggang konsehal ay hindi magmumula sa boto ng mayorya ng mga botanteng Pilipino. DWIZ882

71 thoughts on “(Sa 2022 elections) KALAHATI NG MGA PINOY HINDI BOBOTO”

Comments are closed.