(Sa 4 na weekends mula Hulyo hanggang Setyembre) BIYAHE NG MRT TIGIL MUNA

MRT-3

PANSAMANTALANG sususpendihin ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 ang operasyon nito sa apat na piling weekends mula Hulyo hanggang Setyembre upang bigyang-daan ang pagpapalit ng mga riles.

Ang suspensiyon ng biyahe ng MRT-3 ay nakatakda sa Hulyo 4-5, Agosto 8-9, Agosto 21-23, at Setyembre  12-13.

Ayon sa pamunuan ng MRT, ang rehabilitation works para sa naturang mga petsa ay kabibilangan ng turnout replacements, rail destressing, rerailing, at resurfacing.

Ang pagpapalit ng mga riles na inaasahang matatapos sa Set­yembre ay unti-unting magtataas sa operating speed ng MRT-3 ng hanggang 60 kilometers per hour sa Disyembre. Ang headway o interval sa pagitan ng mga tren ay inaasahan ding bababa sa 3.5 minuto sa sandaling matapos ang proyekto.

“Commuters who will be affected by the suspended weekend operations may avail of transport agencies’ bus augmentation program,” ayon sa MRT.

Ang MRT-3 ay nauna nang bumalik sa operasyon sa limitadong kapasidad makaraang luwagan ang quarantine restrictions sa Metro Manila. CNN PHILIPPINES

Comments are closed.