TINIYAK ng Asosasyon ng mga Panaderong Pilipino (APP) na mananatiling matatag ang presyo ng tinapay at iba pang flourbased products ngayong summer.
Ayon kay APP president Lucito Chavez siniguro sa kanila ng suppliers ng raw materials na ang presyo ng bakery inputs ay hindi gagalaw sa buong second quarter.
Aniya, ang serye ng pagtaas sa presyo ng tinapay sa huling quarter ng 2022 hanggang sa kaagahan ng taon ay sanhi ng inflation surge, na nagresulta sa pagsipa ng presyo ng harina, asukal, gatas at shortening, gayundin ng diesel.
“Diesel is important to the bakery industry because it fires up the ovens used in the mass production of bread,“ ani Chavez.
Ang community at commercial bakeries ay nagpatupad ng serye ng price hikes sa loob lamang ng tatlong buwan, kung saan tumaas ang presyo ng tasty bread (loaf bread) at pandesal ng 10 percent hanggang 15 percent.
Gayunman, ipinaliwanag ni Chavez na ayon sa kasaysayan, bumababa ang demand sa tinapay, cakes, at pastries tuwing summer.
“During summer, customers prefer cold and refreshing snacks instead of bread or sandwiches. Our sales are always lower when the temperature is high. It is a bad time to raise prices. Fortunately, inflation on our raw materials has stabilized and we will pass on the benefits to our customers,”
Ang APP, dating kilala bilang Cuenca Bakers Association, ay symbolically headquartered sa bayan ng Cuenca sa Batangas, na itinuturing na bakers’ capital ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan ay ito ang pinakamalaking community bakers organization sa bansa, at ang mga panaderya na pinatatakbo ng mga miyembro nito ay karamihang nasa Metro Manila at mga karatig na lugar.