(Sa Christmas season) SUPPLY NG MANOK SAPAT

MANOK-10

TINIYAK ng dalawang malalaking poultry producers ang sapat na supply ng manok sa darating na Kapaskuhan.

Sa isang statement, sinabi ni Vitarich Corporation spokesperson Karen Jimeno na nakahanda sila sa Christmas rush at sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pinaluwag na quarantine restrictions.

“Our industry is one of the few that provide both livelihood and fresh nutritious food for the Filipino people,” sabi ni Jimeno.

Aniya, sinisikap ng poultry industry na mapanatiling matatag ang presyo ng manok sa kabila ng mga hamon na dulot ng oil price hike at ng kakulangan sa supply ng mais.

Sinusugan ni Corgill Philippines corporate affairs director Cris Ilagan ang pahayag ni Jimeno, at sinabing may sapat na supply ng manok para sa holiday season base sa market reading ng kompanya. Ang Cargill Philippines ang chicken supplier ng Jollibee Foods Corporation.

Sa kabila, aniya, ito ng mga hamong kinakaharap ng industriya tulad ng halaga ng raw material, gayundin ang mas mataas na presyo ng corn at soybean meal, na pangunahing sangkap sa paggawa ng animal feeds.