(Sa first quarter ng 2022) INFRA SPENDING BUMABA

BAHAGYANG bumaba ang Infrastructure spending sa first quarter ng  2022 sa pag-iral ng election spending ban, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sa buwan lamang ng Marso ay tumaas ang infrastructure expenditure sa  P12.4 billion — isang 14.2% spike kung saan nagkaroon ng papel ang pagbabayad para sa mga natapos at bahagyang natapos na proyekto ng  Department of Public Works and Highways (DPWH).

Gayunman ay hindi ito sapat upang iangat ang  disbursement para sa quarter kung saan bumaba ito ng 2.6% sa P190.2 billion kumpara sa P195.2 billion noong nakaraang taon. Ayon sa DBM, ito ay “largely attributed to timing of payables for regular infrastructure programs.”

Ang overall public spending ay naitala sa  P1.101 trillion sa pagtatapos ng Marso, bahagyang tumaas ng 8.2%.

Ayon sa DBM, ang disbursements ay inaasahang babagal sa Abril at Mayo dahil sa 45-day poll-related ban sa ilang  public spending items.

Gayunman ay inaasahang magnonormalisa ito sa katapusan ng Mayo.