(Sa first quarter) PH AGRI OUTPUT BUMABA

BUMABA ang agricultural output ng bansa sa pagsisimula ng taon sa likod ng pagbabawas sa crops, livestock, at fisheries, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng PSA, ang first-quarter value ng production sa agriculture at  fisheries sa constant 2018 prices ay bumaba ng 0.3%, kumpara sa 3.4% pagbaba sa kaparehong quarter ng 2021 at sa 2.6% growth sa huling quarter ng 2021 — ang tanging quarter na nakapagtala ng paglago para sa taon.

Ang crops subsector ay bumaba ng 1.6%, sa pangunguna ng pagbaba sa tobacco ng 24.1%. Sinundan ito ng sugarcane na bumulusok ng 10.1%, cabbage ng 7.3%, tomato ng 6.1%, at coffee ng 3.9%.

Naitala rin ang mga pagbaba sa palay, corn, banana, cassava, rubber, sweet potato, tomato, at calamansi, habang nagkaroon ng paglago sa coconut, pineapple, onion, eggplant, abaca, potato, ampalaya, mongo, cacao, at iba pang mga pananim.

Ayon pa sa datos ng PSA, ang livestock ay bumaba ng 1.0%, kung saan naitala ang contractions sa hog, cattle, at goat, habang may paglago naman sa carabao at dairy.

Samantala, ang fisheries ay bumaba ng 5.8%, sa pangunguna ng mudcrab (alimango) na bumagsak ng 24.8%, kasunod ang skipjack (gulyasan) ng 20.2%, fimbriated sardines (tunsoy) ng 13.5%, milkfish (bangus) ng 12.7%, at tiger prawn (sugpo) ng 11.3%.

Ang tanging subsector na nagtala ng paglago ay ang  poultry na tumaas ng 12.3%, kung saan ang chicken ay may 13.0% increase; chicken eggs; 12.4%; at duck eggs ng 11.8%. Bumaba naman ang duck production ng 21.5%.

Nasa P498.61 billion naman ang halaga ng produksiyon sa agrikultura at fisheries, na mas mataas ng  2.1% kumpara sa level noong nakaraang taon.