MAHIGIT sa 817,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang nakauwi na magmula nang magpatupad ang pamahalaan ng quarantine guidelines sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Sinabi ni OWWA Administrator Hans Cacdac na nakapagtala ang ahensiya ng
817,000 na umuwing OFWs mula sa ibang bansa simula nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing komportable at ligtas ang kanilang pag-uwi.
Aniya, kasalukuyan na ring binibigyan ng booster shots kontra COVID-19 ang mga umuwing OFWs.
Nagpalabas ang pamahalaan ng bagong guidelines para sa testing at quarantine protocols para sa mga biyahero na magmumula sa non-red list countries.
Sa ilalim ng bagong guidelines, ang fully vaccinated travelers ay kailangang magprisinta ng negative RT-PCR test na isinagawa sa loob ng 72 oras bago ang pag-alis sa country of origin.
Ang mga fully vaccinated traveler ay kailangang sumailalim sa facility-based quarantine kung saan isasagawa ang RT-PCR test sa ika-5 araw ng kanilang pagdating.
Kahit negatibo ang resulta, kailangan silang sumailalim sa home quarantine for sa loob ng 14 araw mula sa petsa ng pagdating.