PINALAWIG ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa pag-aangkat ng sibuyas hanggang Agosto sa gitna ng matatag na suplay ng local onions.
“As of the moment, hindi talaga kailangang mag-import ng onions… For now, until August,” wika ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Nakatakda sanang magtapos ang umiiral na import ban ngayong buwan.
”We’re monitoring everything closely, day-to-day iyan. So I guess, we would be extending (it) on a monthly basis,” ani Tiu Laurel.
Gayunman ay binalaan niya ang mga negosyante na maaaring magsamantala sa sitwasyon.
“Baka mayroon diyang unscrupulous na traders o businessmen na baka mag-tighten na mag-release ng stocks,” aniya.
Ayon sa DA, hanggang Hulyo 5, ang bansa ay may 152,839.25 metric tons (MT) ng pulang sibuyas, 10,601.42 MT ng dilaw na sibuyas, at 63 MT ng shallots.
Ang imbentaryo ng sibuyas ng bansa ay maaaring tumagal ng walong buwan o hanggang Pebrero 2025.
”Warning lang, kapag tina-tighten nila iyan mag-i-import tayo, mag-a-allow tayo ng importation para ma-stabilize ang prices,” dagdag pa ng DA chief.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng local red onions sa Metro Manila ay nasa pagitan ng PHP80 at PHP150 kada kilo para sa pulang sibuyas at PHP60 hangganc PHP130 kada kilo para sa puting sibuyas.
Ulat mula sa PNA