(Sa ika-5 sunod na linggo) PRODUKSIYON NG ASUKAL BUMABA

SA ikalimang sunod na linggo ay lalong bumaba ang produksiyon ng asukal sa bansa.

Batay sa datos ng Sugar Regulatory Administration (SRA), bumagsak sa 1. 63M metriko tonelada ang produksiyon ng asukal noong Abril o 7.9% production.

Kumpara ito sa 1.76M metriko tonelada sa kaparehong panahon noong 2021.

Isa sa mga sanhi ng mababang produksiyon ang epekto ng bagyong Odette sa mga tubohan.

Sa kabila nito, tumaas naman ang demand sa asukal na pumalo sa 4.55%. DWIZ 882