(Sa ika-8 sunod na buwan) PRESYO NG RETAIL CONSTRUCTION GOODS TUMAAS

CONSTRUCTION WORKERS

SUMIRIT sa ika-8 sunod na buwan ang presyo ng retail construction goods sa Metro Manila.

Batay sa Construction Materials Retail Price Index (CMRPI), tumaas ng 3.3% ang presyo ng naturang produkto noong February 2022.

Mas mataas ito kumpara sa 1.1% growth na naitala noong February 2021 at 3% noong January 2022.

Ang CMRPI ay kinabibilangan ng mga produktong ginagamit sa carpentry, electrical, masonry, painting at plum­bing.

– DWIZ 882