HABANG patuloy na umiiral ang coronavirus 2019 o Covid 19 pandemic, kinakailangan umanong mabigyan ng sapat na kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte upang makapagpatupad ng mga hakbang o programang pantugon sa nararanasang national health crisis.
Ito ang binigyan-diin ni House Committee on People’s Participation Chairperson at Lone District San Jose Del Monte City Rep. Rida Robes kasabay ng kanyang pangigiit na dapat maging prayoridad sa kanilang pagbabalik-sesyon ang tuluyang pag-apruba sa House Bill 6953, ang Bayanihan To Recover as One Act o Bayanihan 2.
“In the light of the new bill, there in indeed need to give President Duterte enough authority to implement the extraordinary but necessary measures in order to protect and help our people in these difficult times until a cure or vaccine for the COVID-19 is developed,” ang pahayag pa ng San Jose Del Monte City lady solon.
Si Robes ay isa sa principal authors ng HB 6853 kung saan may nauna rin siyang inihaing House Resolution No. 910, na nanawagang palawigin ang pagpapatupad ng Republic Act No. 11469 o ang Bayanihan To Heal As One Act, partikular ha-bang wala pang natutuklasang gamot o bakuna laban sa COVID-19.
Sa nasabing resolusyon, binigyan-diin niya na bagama’t nagkaroon ng ilang pagluluwag ang pamahalaan sa community quarantine guidelines nito, mismong ang World Health Organization (WHO), scientists at health experts ang nagbabala na nananatili ang banta ng nakamamatay na sakit habang wala pang bakuna kontra rito kung kaya hindi dapat aniya maging kampante ang lahat ng mga bansa.
Matatandaan na Hunyo 4 nang aprubahan ng House Committee of the Whole ang HB 6953 at dumaan na ito sa ‘period of debate and sponsorship’ at inaasahang isasalang sa ‘period of amendments’ bago aprubahan sa second reading. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.