(Sa ilalim ng DPWH jobs program) 1K WORKERS NA-HIRE NATIONWIDE

Mark Villar

MAY kabuuang 1,090 manggagawa ang na-hire sa buong bansa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa ‘Build Build Build’ (BBB) projects.

Sa datos ng ahensiya, 457 sa mga manggagawa ay mula sa Luzon — 10 sa National Capital Region; 8 sa  Cordillera Administrative Region; 137 sa Ilocos Region; 133 sa Cagayan Valley; 29 sa Central Luzon; 63 sa Calabaron; 52 sa Mimaropa, at  25 sa Bicol.

Nasa 302 workers naman ang nagmula sa Visayas — 174 sa Western Visayas; 78 sa Central Visayas, at 50 sa Eastern Visayas.

May 225 manggagawa ang mula sa  Mindanao — 17 sa Zamboanga Peninsula; 18 sa Northern Mindanao; 99 sa Davao Region at 91 sa Caraga.

Samantala, ang Unified Project Management Office ng DPWH ay nakapag-hire ng 85 workers habang ang Public-Private Partnership Office nito ay may  21 workers.

“As we build out of this crisis, our ‘Build, Build, Build’ Program will continue to create employment opportunities with Bigay Trabaho that are still open for jobseekers,” wika ni DPWH Secretary Mark Villar sa isang statement.

Ang mga bakanteng trabaho sa iba’t ibang construction firms ay welders, laborers, civil engineers, materials engineers and technicians, equipment operators, foremen at carpenters.

“Jobseekers may still contact our different channels for available job positions that are vital to the success of our BBB Program. This is also our way of helping contractors so that they have enough manpower to implement and complete massive projects on time,” ani Villar.

Inilunsad ang programa noong nakaraang August 9. PNA

Comments are closed.