TINIYAK ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang sapat na suplay ng pagkain at langis sa gitna ng nagpapatuloy na krisis sa pagitan ng Russia at ng Ukraine.
Sa Philippine Economic Briefing 2022, sinabi ni Dominguez na walang kakulangan sa commodities, fuel, corn o wheat.
Ang Russia ay kabilang sa top producers ng langis habang ang Russia at Ukraine ay kapwa exporters ng wheat, na ginagawang harina.
“There is no shortage of commodities, fuel, corn, or wheat…It’s the anticipation of shortages that is driving up prices. It’s affecting us negatively but we are confident that since our agriculture production in the Philippines, particularly for staple food, is constant, especially rice. We have to manage that very well,” sabi ni Dominguez.
Sinabi rin ng kalihim na walang shortage ng baboy.
Ang Pilipimas, na tinamaan ng African Swine Fever, ay kasalukuyang nagre-restock ng inventory nito habang umaangkat ng karne para madagdagan ang supply nito.