(Sa kasagsagan ng bagyong Ulysses) GINANG NANGANAK SA MILITARY TRUCK

nanganak

HABANG nanalasa ang bagyong Ulysses ang Metro Manila at Katimugang Luzon isang ginang ang nanganak sa loob ng Philippine Army M35 Military Truck na nagsasagawa ng search and rescue mission sa Bicolandia.

Ayon kay Maj Ge­neral Henry Robinson pinuno ng Army 9th Infantry (Spear Troopers) Division kasama sa mga na rescue ng kanyang mga tauhan ang buntis na ginang na isinakay sa  9th Infantry Battalion KM450, nang makaranas ito ng labor pain.

Nabatid na kinaila­ngan ng ginang na kinilalang si Noralyn Ilagan, 29-anyos ng Barangay Caranan sa bayan ng  Pasacao, Camarines Sur doon na mismo sa military truck manganak dahil hindi na ito aabot pa sa Lying In Clinic makaraang ma-rescue ng mga elementp ng  9th Infantry Battalion (9IB), bandang alas-10 ng gabi habang kasagsagan ng pag hagupit ni Ulysses na may dalang malakas na ihip ng hangin at malakas na buhos ng ulan.

Napag alamang may mga kasamang  kinatawan mula sa Municipal Health Office at  Municipal Di­saster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Pasacao ang rescue team na nagpas­yang magtulong-tulong para maayos na makapanganak ang  ginang na sinasabing pumutok naang panubigan at anumang oras ay magluluwal na ng sanggol.

Inalalayan nina MHO’s nurse, Rosario Rado at  MDRRMO personnel, Jesica Italia kasama sina Army  Cpl. Pacheco, at  PFC Banaña si Ilagan hanggang sa makapanganak ito ng malusog na sanggol.

‘The cry of a newborn baby inside a military truck in a town in Bicol region was a welcome sound bringing incomparable joy to the exhausted members of emergency response unit, who has been working tirelessly after Bicolandia has been hit by a series of unfortunate events— 3 typhoons in the middle of a pandemic,” ani MGen. Robinson.

“Hanggang may nangangailangan pa ng ating tulong, hindi tayo mag-aalinlangang tumulong. The Bicolanos can rest easy because the Spear Troopers tasked to serve and secure them are not only equipped with knowledge and skills to help but does all these with love and compassion. May this unexpected but joyful event remind us all that there is HOPE in the face of disaster,” dagdag pa nito.

Pagsapit sa kabayanan ay agad na inilipat sa lying-in ang mag-ina. VERLIN RUIZ

Comments are closed.