(Sa MECQ areas) PAGPUTOL NG KORYENTE SUSPENDIDO

meralco

HINDI muna magpuputol ng koryente ang Manila Electric Co. (Meralco) sa mga lugar na nasa ilalim ng modified en­hanced community quarantine (MECQ).

Ayon sa Meralco, suspendido ang disconnection activities mula August 21 hanggang 31 sa Metro Manila at Laguna.

“Disconnection activities are also suspended in other areas earlier placed under MECQ particularly Bulacan, Cavite, Rizal, and Lucena City until August 31, 2021,” sabi pa ng kompanya.

Sa mga customer sa mga lugar na nasa ilalimng general community quarantine (GCQ), sinabi ng Meralco na patuloy silang magiging ‘considerate’ at nangakong aasistihan ang mga customer sa kanilang problema.

“Meralco will continue vital operations such as meter reading, bill delivery, and service crews will continue work around the clock to serve its customers,” dagdag pa ng power distribution utility.

24 thoughts on “(Sa MECQ areas) PAGPUTOL NG KORYENTE SUSPENDIDO”

Comments are closed.