TATLO sa bawat limang Filipino ang naniniwala na ipagtatangol ng Estados Unidos ang Filipinas oras na may sumalakay na banyagang puwersa, ayon sa pag-aaral na inilabas ng Social Weather Station nitong Miyerkoles isang araw matapos na ihatid ng mga Amerikano ang tatlong kampana ng Balangiga kamakalawa.
Sinasabing mayorya ng mga Filipino ay tiwala sa defense commitment ng mga Amerikano.
Sa resulta ng pag-aaral ng SWS kahapon ay lumilitaw na 61 percent (31 percent strongly believe, 30 percent somewhat believe) ay naniniwala na ang US na matagal nang kaalyado ng Filipinas ay dedepensahan ng bansa, habang siyam na porsiyento lamang ang nagsasabing hindi sila naniniwala sa commitment ng US habang 30 percent naman ay nagsasabing hindi nila alam o undecided.
Sa nasabing survey, 47 percent ng mga tinanong na naniniwala sa Washington’s commitment sa Filipinas ay hinggil sa 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng dalawang bansa.
Napag-alaman na isinagawa ng SWS ang kanilang pag-aaral noong Hunyo 27 hanggang 30 subalit kahapon lamang nila inilabas ito.
Ang SWS polls ay inilunsad kaugnay sa 67th year nang umiiral na Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Filipinas at Amerika kung saan 80 porsiyento ng mga nakaaalam sa tratado na tinanong ay naniniwalang ipagtanggol ng US ang bansa sa mga paglusob.
Lumalabas naman na 58 porsiyento ng mga taga-Metro Manila ang mulat o nakaaalam sa Mutual Defense Treaty habang sa Balance Luzon ay may 53 porsiyento at 41 porsiyento naman sa Visayas. VERLIN RUIZ
Comments are closed.