MAGANDANG balita para sa lahat!
Bababa na ang presyo ng asukal sa mga susunod na araw.
Ito’y matapos makipag-usap ni Executive Secretary Victor Rodriguez sa mga malalaking supermarket owners, tulad ng SM Supermarket, Robinsons Supermarket, at Puregold Supermarket, base na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Nabatid na ang kasalukuyang presyo ng asukal sa merkado na P90 hanggang P110 kada kilo ay ibababa na sa P70 kada kilo.
“The President lauded the selfless response from these businessmen who are sacrificing not just their own inventory but also their projected business profits for the sake of the ordinary Filipinos at this time when the country is besieged by many problems,” ani Rodriguez.
“This is a classic display of the indomitable Filipino spirit of ‘bayanihan’ and love of country,” wika pa niya.
Sinabi ni Rodriguez na ang SM stores ay nangakong ang segundang asukal (washed sugar) ay ibebenta ng P70, gayundin ang Robinson’s Supermarket na magbabagsak ng isang milyong kilo ng asukal na ibebenta rin ng P70 kada kilo sa Metro Manila.
“Puregold likewise committed to make available 2 million kilos of refined sugar at P70 per kilo. This will give ordinary Filipinos access to cheaper sugar with more than 3 million kilos available in the market next week,” sabi pa ni Rodriguez
Upang matiyak na maraming consumers ang makabibili ng murang asukal, sinabi ni Rodriguez na babantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bawat merkado upang maiwasan din ang posibleng ‘household hoarding’ ng ilang nangangalakal na mamimili.
Inaasahang babagsak ang presyo ng asukal sa Metro Manila sa susunod na lingo at mananatili ang P70 kada kilo ng asukal sa merkado hangga’t may sapat na supply.
Ang Savemore Market ay itinuturing na ‘fastest growing format’ ng SM Markets. Nagsisilbi rin itong ‘umbrella brand’ ng SM Supermarket, SM Hypermarket at Savemore, pati ang sister company nito na Alfamart.
Mayroon itong 1,500 stores na binubuo ng 206 Savemore stores, siyam na Savemore Express stores, 60 SM Supermarket stores, 53 SM Hypermarket stores, at 1,201 Alfamarts.
Ang Robinsons Supermarket, isang dibisyon ng Robinsons Retail Holdings, Inc. ang ikalawang pinakamalaking supermarket chain sa Pilipinas na may 274 stores nationwide.
May 280 operating stores at mahigit 20 food service stalls naman sa buong bansa ang Puregold Price Club, Inc.
Ayon pa kay Rodriguez, maging ang Victorias Milling Company ay nangako rin upang tulungan ang mga traders food manufacturing industries sa pamamagitan ng 45,000 sako at 50 kilos per sack bottler-grade sugar para sa soft drinks companies, tulad ng Coca-Cola, Pepsi at RC Cola.
“This is to avert a possible temporary halt in their operations that could result to the displacement of their workers,” pagbibigay-diin pa ni Rodriguez.
Ang Victorias Milling Company, Inc. (VMC or the Company) na may produktong ‘integrated raw and refined sugar’ ay mula sa Barangay XVI, Victorias City, Negros Occidental. Ang kompanyang ito na pinakamodernong sugar company sa bansa ay itinatag noong May 7, 1919 ni Don Miguel J. Ossorio.
“Victoria’s milling also allotted 500,000 kilos of sugar for consignment in Kadiwa stores in the populated parts of the Visayas,” ani Rodriguez.
Kamakailan ay nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, Inc. (PCFMI) para pag-usapan ang problema sa kakulangan ng supply ng asukal sa bansa.
Ang PCFMI ay principal organization ng manufacturers and distributors ng mga food products sa bansa. Responsable sila sa pagbibigay sa mga mamimili ng ligtas, masustansya at murang processed food products alinsunod sa local and international standards and regulations.
“Hopefully, we can get some concessions with the traders so that at least the pricing will be reasonable. The concern is the supply right now. I’ll make sure that there is sufficient supply in the country so that you can operate at full capacity,” sabi ni Marcos.
Plano rin ni Pangulong Marcos ang direct importation ng mga food manufacturer bilang bahagi ng emergency measures sa pagtugon sa kasalukuyang pangangailangan ng industriya. Kailangan lang nito ng approval ng Sugar Regulatory Administration (SRA) kung saan naman chairman ang Pangulo.