(Sa pag-amyenda sa Public Service Act) $60-100B INVESTMENTS PAPASOK SA PH

UMAASA si Trade Secretary Ramon Lopez na makakakuha ang bansa ng USD60 billion hanggang USD100 billion na halaga ng investments sa susunod na dalawang taon sa paglagda sa batas na nag-aamyenda sa Public Service Act (PSA).

Nitong Lunes ay nilagdaan ni  Presidente Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11659 na nag-aamyenda sa 85-year-old PSA.

“Initial investment leads in the sector will be over USD60 billion composed of telecom(munications), transportation, logistics, (and) railway. This is still understated as other leads have not indicated investment amounts. (It) can be over USD100 billion over two years,” sabi ni Lopez.

Ikinatuwa ng trade chief ang bagong lagdang batas dahil makahihikayat ito ng mas maraming foreign players na magbibigay-daan sa mas malawak na kumpetisyon sa merkado.

Mag-uudypk din, aniya, ang PSA ng technology-based innovations sa bansa, mas magandang kalidad ng mga serbisyo sa mas mababang halaga, na magiging kapaki-pakinabang sa mga consumer.

“We thank the legislators and the business chambers for supporting the economic team in pushing for this legislation. This will surely attract more investments and more jobs for Filipinos in these sectors,” ani Lopez. PNA