HINDI pa man humuhupa ang kontrobersiya sa hiwalayan nila ng boyfriend niya na si James Reid, may kasunod agad na “pasabog” ang aktres na si Nadine Lustre. This time, ipinaalam niya sa publiko ang pagkalas niya as a talent ng Viva Artists Agency.
In less than a month, dalawang malalaking hiwalayan agad ang pambungad ni Nadine sa 2020. Dahil diyan, marami ang nababahala sa personal life at career ni Nadine ngayon.
Pagkatapos niyang maglabas ng official statement, through her Kapunan & Castillo Law Offices, agad na sinagot ng VAA ang announcement ni Nadine.
Majority ng netizens ay sinabing ill-advised si Nadine sa ginawa niyang desisyon. Wala pa raw kasing nanalo against Viva.
Say naman ng iba, hindi raw basta-basta tini-terminate ang isang kontrata na solid and binding. At sana, nakipag-usap na lang daw si Nadine sa Viva nang maayos o nilambing-lambing na lang ni Nadine ang big boss ng Viva na si Vic del Rosario to release her.
Ngayon pa lang ay nakikita na ng maraming taga-showbiz na magiging ‘frozen delight’ na lang siya ng Viva.
On the other hand, nakabibilib din si Nadine, huh. Parang wala pa kaming nabalitaan na talent o maski dating talent ng Viva na pinalagan ang kontrata sa kanila. Karamihan sa kanila ay tahimik lang na umalis ng Viva.
Either, binayaran ang natitira pa nilang kontrata at ‘yung iba naman ay nagtiyaga na lang na mag-expire ang contract nila.
E, si Sarah Geronimo nga ‘di ba? Kahit nagka-isyu noon na parang ‘di na siya happy sa Viva, still, ‘di pa rin siya nakaalis. Mukhang forever na ata ang kontrata niya sa Viva. Siyempre naman, bakit naman siya pakakawalan ng Viva?
Si Nadine lang yata ang pumalag at mukhang palaban, huh.
Curious naman ang iba na malaman kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para kumalas sa Viva. Baka naman may something na pinanghahawakan si Nadine para banggain ang isang institusyon nang maituturing sa industriya.
Hindi naman siguro siya basta na lang maglalabas ng press statement na ‘di niya pinag-aralan ng husto. And for sure, nagpa-konsulta siya ng maigi sa ‘de campanilla’ na mga abogadong kinuha niya to defend her or get the attention of VAA.
JULIA BARRETTO TODO-IWAS KAY JOSHUA SA PREMIERE NG KANILANG PELIKULA
KITANG-KITA ang tensyon na namagitan sa dating mag-syota na sina Joshua Garcia at Julia Barretto sa premiere night ng kanilang pelikula.
Hindi na namin nakunan ang eksena ang pagdating nila sa red carpet at pag-akyat sa stage na sinet-up sa lobby ng SM Megamall cinemas.
Pero may isang blogger ang nagkwento sa amin na obvious daw ang “pag-iwas” ni Julia kay Joshua habang nasa stage. At sa huli, iniwan pa raw ni Julia si Joshua sa stage.
Then, sa loob ng sinehan ay nakunan din namin ng video ang dalawa habang hinahanap ang upuan nila bago mag-umpisa ang screening. Nauna si Joshua na makapasok sa aisle ng mga upuan at nakita agad ang kanyang seat.
Maya-maya pa ay pumasok na rin sa aisle si Julia kasunod ng isa pa sa cast na si Maris Racal. Dinaanan lang niya si Joshua at ni hindi tumingin kahit pa inalok na ng aktor ang bakanteng upuan kasabay ang pag-alalay sa kanya.
Samantala, todo-suporta naman kay Julia sa premiere night ang kanyang equally-controversial mom na si Marjor Barretto and the rest of her family members. ‘Yun nga lang, halos nasa bandang dulo na nakaupo sina Marjorie at malayo sa kinauupuan ng mga bida at director.
Comments are closed.