SA PAGLULUWAG ng restrictions laban sa COVID-19 ay muling nagsikip ang daloy ng trapiko sa National Capital Region, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na higit na nararamdaman ang pagbigat ng trapiko sa Metro Manila tuwing peak hours.
Sa kabila nito, mananatili aniyang suspendido ang coding sa mga sasakyan, maliban sa Makati City, dahil hindi pa rin normal ang operasyon ng mga pampublikong saskayan.
Paliwanag ni Abalos, mas makabubuting nasa loob ng pribadong sasakyan ang mga tao para mayroon silang “personal bubble” sa pagbiyahe.
“Sasakay ka sa jeep, sasakay ka sa bus, sasakay ka sa MRT. Baka magkasiksikan lalo,” ani Abalos.
Mula sa Alert Level 4 ay ibinaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila simula Oktubre 16 hanggang Oktubre 31 sa gitna ng pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Mas marami na rin ngayon ang nakapagsisimba makaraang itaas ang kapasidad ng religious gathering sa 30 porsiyento, habang unti-unti na ring bumabalik ang mga mamimili sa mga mall sa Metro Manila.
Samantala, sa pulong ng Metro Manila mayors noong Sabado ng gabi ay inirekomenda na payagang makalabas ng bahay ang mga menor de edad pero kung magpapatingin sa doktor o dentista, bibili ng pagkain, kailangang magtrabaho at mag/ehersisyo.
Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, inirekomenda rin sa pulong na ipagbawal ang mga menor de edad sa mga mall o sumama sa dine-in.
“Because remember, those who can enter the mall must be fully vaccinated,” ani Zamora.
246494 578665Some genuinely prime posts on this site , bookmarked . 854336
470894 457024Glad to be one of many visitants on this awing web site : D. 933999