INAASAHANG makababangon ang industriya ng turismo kasunod ng desisyon ng pamahalaan na payagan ang mga menor de edad at fully vaccinated seniors na magkaroon ng point-to-point interzonal travel.
“Further easing of travel restrictions will allow more of our fully vaccinated individuals to enjoy interzonal travel, especially families who wish to travel together. Traveling is a way of bonding, and with all the pre-cautions and protocols in place, we can still do it safely together,” wika ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
“More importantly, this will encourage more Filipinos to secure their jabs as well,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Puyat na ang maluwag na travel restrictions ay magbibigay-daan para mabawi ng tourism workers at stakeholders ang kanilang mga trabaho at kabuhayan na nawala dahil sa COVID-19 pandemic.
Inanunsiyo ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang mga may edad 18 pababa at fully vaccinated individuals na mahigit 65-anyos ay pinapayagan na ngayong bumiyahe mula National Capital Region (NCR) patungo sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified GCQ.
Gayunman, sinabi ni Roque na ang pagbiyahe ay alinsunod sa mga panuntunan at mahigpit na health protocols na maaaring itakda ng DOT at sa mga regulasyon ng local government unit destination.
Ayon kay Puyat, magpapalabas ang tourism department ng mga panuntunan para sa point-to-point travel upang matiyak na nasusunod ang health and safety protocols.
“RT-PCR tests will only be required for the said individuals should the LGU of destination require a negative result,” dagdag pa niya.
724795 425449An intriguing discussion is price comment. I think that you ought to write extra on this subject, it may well not be a taboo topic but usually individuals are not enough to talk on such topics. Towards the next. Cheers 474425
106051 615943Some truly good stuff on this internet web site , I like it. 459020