(Sa pagtaas ng demand dahil sa pag-iwas sa pork) PRESYO NG MANOK TUMAAS

Karne ng manok

BAHAGYANG tumaas ang presyo ng manok dahil sa pag-iwas umano ng publiko sa pagbili ng mga karneng baboy sanhi ng banta ng African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Sa pinakahuling tala ng Department of Trade and Industry (DTI), umabot na sa P150 ang presyo ng kada kilo ng manok.

Ayon sa DTI, normal lang ang pagtaas ng ­presyo lalo na kung mataas ang demand at kung binibili pa rin ito kahit na lumobo na ang presyo nito.

Payo naman ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, maghanap ng iba pa o alternatibong mabibili kung sa tingin nila ay mataas ang presyo ng manok na kanilang bibilhin. DWIZ 882

Comments are closed.